Tekla bumuwelta, kabaliktaran sa mga sinabi ng dating ka-live in!
Tekla
Tekla bumuwelta, kabaliktaran sa mga sinabi ng dating ka-live in!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay. Usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle,” pahayag Tekla sa GMA News kahapon tungkol sa isinumbong ng kanyang ka-live in na si Michelle Bana-ag kay Mr. Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo. “Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.

 “Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako siguro, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” katuwiran pa ng komedyante tungkol sa isyung gumagawa siya ng kahalayan at madalas pinipilit ang partner na mag-make love kahit ayaw nito na pag hindi pinagbigyan ay ginugutom sila kung saan may pinakita pang video.

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat. Naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic.”

Dagdag pa ni Tekla habang umiiyak, diumano’y ang partner nito ang hindi pumupunta sa hospital.  “Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kung kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas ‘yang batang diyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle.

“Michelle, karapatan mo ‘yun, karapatan mo ‘yun, nung una pa lang. Binlock n’yo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan ‘yung sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo ‘yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat.”

Ahhh. Pinakamabuting mag-usap na lang sila.

TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with