Korina, may kirot pa rin sa puso ang paglipat
Korina
Korina, may kirot pa rin sa puso ang paglipat
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

Inamin ni Korina Sanchez na talagang may kirot sa puso sa paglipat niya sa TV5 matapos ang mahahabang mga taon na pananatili sa ABS-CBN.

“Lumabas na lahat ang tsismis na nasa 5 na ako, hindi ako kumikibo. Sa totoo lang, mayroon pa ring kirot,” pahayag ni Ate Koring nang makapanayam namin last Tuesday para sa kanyang programang Rated Korina na mapapanood na nga sa TV5.

“Hindi ‘yung sama ng loob kung hindi, masakit isipin na parang naglipat-bahay ka eh mahal na mahal mo ‘yung bahay mo. Parang nagiba. Parang ganu’n. Ang feeling, ganu’n. ’Yung parang nasunog, natupok ng sunog.”

Pero siyempre, masaya raw siya that she was offered by Rep. Albee Benitez of Brightlight Productions para ilipat ang kanyang Rated K sa TV5 pero syempre, malungkot at the same time sa nangyari sa ABS-CBN.

“So ‘yung lipat ko, parang hindi. . .para kang namatayan, eh. Parang oo masaya pa rin ang buhay pero hindi mo kaylanman makakalimutan ‘yung nanay mo, tatay mo, kapatid mong namatay,” she said.

Nang alukin daw siya ni Cong. Albee na ipo-produce nito ang Rated K sa TV5, hindi naman daw naging mahirap sa kanya ang pagdedesisyon na tanggapin ito.

“Syempre, tuwang-tuwa ka, ‘di ba? Una, to be clear ha, I did not leave ABS-CBN. I retired 3 years ago, so hindi rin ako retrenched,” aniya.

After that ay naging talent na lang siya ng network for Rated K. At dahil nga hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ay itinigil na ang kanyang show. “And sila ang nagbigay sa akin ng advice na ‘you’re a free agent now.’ So hindi naging mahirap (ang pagdedesisyon na lumipat sa TV5).”

Pero in fairness naman daw to ABS-CBN, kahit wala na siyang show, she was still being paid until first week of September. “Mabait din sila, very generous din sila sa akin. Well, half (ang salary), lahat naman kami, half. Pero imagine, ‘di ba? They continued paying us when were were just sa Facebook na lang. And kahit nun’g wala na, tuloy pa rin. Para lang hindi ka ma-displace,” she said.

Sinabi naman daw niya agad sa ABS-CBN ang offer ni Cong. Albee and said, “well, hindi pa talaga ako nagpapaligaw masyado kasi siyempre, kakamatay lang ng asawa ko, ‘di ba? Papaligaw ka agad.”

Pero ABS-CBN na raw ang nagsabi na this is unprecedented times at maiintindihan nila ang kanyang desisyon.

Ngayong Sunday (Oct. 25) na magsisimula ang Rated Korina (pinalitan na lang nila ang titulo since copyright ng ABS-CBN ang titulong Rated K) at 4 hanggang 5 p.m. sa TV5. Basically ay same format pa rin naman daw pero mas pinaganda pa raw nila ang content.

KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with