Christopher, sunud-sunod ang pagluluksa
Christopher
Christopher, sunud-sunod ang pagluluksa
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 14, 2020 - 12:00am

Sabi ni Christopher de Leon pakiramdam niya ay dalawang beses siyang naulila. Para na rin kasing pamilya ang turing niya kay Manay Ichu Perez Maceda at Father Sonny Ramirez. Para rin daw siyang nawalan ng gabay, dahil ang dalawang ito ang madalas niyang takbuhan kapag meron siyang problema.

Kaya nila binuo ni Father Ramirez noon ang Oasis of Love dahil sa sinuong niyang personal problem ng mga panahong iyon. Si Manay Ichu naman, sa tuwing meron siyang mga question sa utak niya na gusto niyang ihanap ng sagot, ito ang takbuhan niya.

Imagine two of your most precious gems in life ay nawala sa loob ng isang taon? Wala na rin ang daddy at mommy ni Christopher kaya naman sabi nga niya, double adult orphan siya, but for sure, nandiyan lang sila sa tabi niya at patuloy siyang gagabayan.

Dagdag guardian angels sila na nauna lang sa atin, pero patuloy tayong binabantayan.

Rest in peace, Manay Ichu and Father Sonny, we miss you and will always pray for you, guide and protect us, till we meet again. Amen. 

Magnesium, pampatibay ng immune system

Bongga ang ProMag. Dahil ginagamit ni Raffy Tulfo at Ali Sotto, marami na rin ang talagang naniwala sa tulong nito sa katawan natin. Ang magnesium kasi ang madalas na hindi napapansin na wala o kulang sa katawan natin kaya napapabayaan. Eh ang ProMag, ibabad mo lang nang kalahating araw sa mainit na tubig na may ProMag ang iyong paa, magkakaroon ka na ng sapat na magnesium sa katawan, sapat para tumibay ang immune system mo.

Suwerte naman ng Take It... Per Minute, Me Ganun dahil sponsor natin sila kahapon na meron na ring spray para madaling magamit ‘pag kailangan.

Bongga si Chris Sunga ng ProMag, dahil alam niya na sa rami ng followers natin tulad ni Raffy Tulfo, malaki rin ang maitutulong natin para sa ProMag. 

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with