Ex Miss U tahimik pa...kapatid na si Sarah mabigat at matindi ang mga akusasyon kay Pia

Kakawindang ang mga akusasyon kay Pia Wurtzbach ng kapatid niyang si Sarah na damay pati ang kanilang ina.

Kaya naman ayon sa kampo ni Pia, walang planong magsalita ang dating beauty queen dahil family issue ang usapin. “Away pamilya...no  statement, let us just respect their privacy, thank you!,” ang reply ni Ms. Rikka Infantado Fernandez, business manager ni Pia.

Burado na ang mga post ni Sarah, pero marami na ang nakapag-screenshot kaya mabilis itong kumalat at pinag-usapan. Nag-start ang lahat nang mag-IG story ang sister ng dating Miss Universe tungkol sa diumano’y tunay na ugali ng kanyang kapatid.   “Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala. Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan. Magsama kayo ni mama, @piawurtzbach.

“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.

“Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali n’yo ni mama, ‘di porket nananahimik ako, ako ‘yung masama.

“Ako pa kailangan lagi magpakumbaba, eh ako na nga ‘yung naabuso. T*****a n’yo, @piawurtzbach,” ang sunud-sunod na IG story ni Sarah na sobrang ikinagulat talaga ng mga nakabasa na followers ni Sarah na later on ay naging private ang kanyang account kaya ‘pag hindi ka ­follower ay ‘di mo na makikita ‘yun.

Hanggang dumating na sa puntong nabanggit na ang boyfriend ni Pia na si Jeremy Jauncey.

Pero mas na-shock ang lahat sa matinding pahayag ng kapatid ni Pia na ang akala ng lahat ay ayos na ayos ang kanilang relasyon tungkol sa kanilang ina.  “Kasi ‘yung abusado nating nanay binugahan ako ng ginusto kong ma-rape kasi simula bata pa lang may sira na utak ko. Mas mabuti pang nasa ‘strangers’ family ang mga bata para ‘di daw sila maapektuhan dahil loka-loka mami nila.

“So abused = crazy? Tapos imbis na suportahan mo ako emotionally, bawal magsalita kasi masisira lang pinaghirapan n’yo? Sasabihan mo pa ako ng ‘why do you want to get back at her so bad? F*** *** @piawurtzbach.”

“Pera pera pera. Tapos nagweweed palagi?” sabi niya sa post.

Matindi. Kaya talagang marami ang nawindang at ‘di makapaniwala.

Show comments