Marian, nakipag-collab sa designer para sa Xmas wreaths

Tuloy ang Pasko kay Marian Rivera kahit may pandemya pa!

Isang sorpresa ang inihahanda na ni Yan ngayon dahil this early ay may collab siya kay Teddy Manuel, isang floral at event designer para sa special edition ng Christmas wreaths ng flower business niyang Flora Vida by Marian.

May pasilip si Marian sa kanyang Facebook page ng project nila ni Manuel at may caption na, “Pasko na! Flora Vida X Teddy Manuel.”

Inanunsyo naman ni Manuel sa kanyang Instagram story ang collaboration at pinasalamatan niya si Yan sa oportunidad.

Bongga na talaga ang flower business ng GMA Primetime Queen matapos matapos mag-aral sa Japan ng floristry noong 2017.

Ian, naturuan ni Joey na magpatawa

Babanat naman sa pagpapatawa si Ian Veneracion sa family sitcom na Oh My Dad na produced ng Quantum Films at mapapanood sa TV5 simula sa October 24, 5 p.m.

Sa totoo lang, bata pa lang si Ian ay sa family sitcom na Joey and Son siya nakilala bilang anak ni Joey de Leon.

So magkomedya man siya eh, tiyak na dala-dala pa rin niya ‘yung natutunan sa sitcom at kay Joey noong bata pa siya.

Makakasama niya sa sitcom sina Gloria Diaz, Ariel Ureta, Dimples Romana at lalabas na mga anak niya sina Sue Ramirez, Louise Abuel at Adrian Lindayag.

Mula ito sa direksyon ni Jeffrey Jeturian at panulat ni Alpha Habon.

Show comments