^

Pang Movies

Fans ni Bea, hate si Dominique

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Fans ni Bea, hate si Dominique

Ang deretsahang sagot ni Bea Alonzo na “No!” “No! Never again!” na sagot nang tanungin ng isang netizen kung totoong nagkabalikan sila ni Gerald Anderson? Napadiin pa ang sagot ni Bea na ibig sabihin, wala siyang kabalak-balak na makipagbalikan pa sa kanyang ex.

Nabanggit din ni Bea na nakikipag-date na siya without giving any clue, pero ang description ni Bea sa guy ay “Okey naman siya.”  Siya naman ay open at handa ng maging masaya.

Nali-link si Bea kay Dominique Roque, kaya lang, sa mga nabasa namin, hindi pabor ang iba niyang fans kay Dominique. Kapag nagko-comment nga si Dominique sa post ni Bea, grabe ang pamba-bash sa kanya at kung anu-ano ang itinatawag, pero si Dominique, hindi sumasagot at hinahayaang siya’y ma-bash.

Paano kaya kapag ipinakilala na ni Bea si Dominique na kanyang boyfriend? May magagawa pa kaya ang mga kontra sa aktor na maging boyfriend ni Bea?

Angelica, binuking si Glaiza

Nakakatawa ang online show ni Angelica Panganiban na #AskAngelica dahil free flowing at kung may sinusunod mang script, hindi halata dahil tuluy-tuloy lang ang pagsasalita ni Angelica, spontaneous ika nga na para bang kung ano ang pumasok sa isip, ‘yun ang sinasabi.

May mga pambubuking din si Angelica sa kanyang mga kaibigan na nakakatuwang malaman na mayroon pa ring ganoong nangyari. Saka, ang maganda pa, puwedeng mag-guest si Angelica ng Kapamilya, Kapatid, at Kapuso star.

Sa isang episode ng #AskAngelica, guest niya ang Kapuso aktres at kaibigan niyang si Glaiza de Castro. Natawa nang malakas si Glaiza sa pambubuking ni Angelica na minsang nagbakasyon sila sa Siargao, pagbalik nila ng Manila, may dyowa na si Glaiza, samantalang siya ay single pa rin.

That time kasi na nasa Siargao sina Angelica at Glaiza, nakilala ni Glaiza si David Rainey na naging boyfriend na nga niya. Si Angelica ay wala pang nahahanap na love of her life, pero mukha namang masaya ito being single sa ngayon.

Speaking of Glaiza, nasa Baler, Aurora pa rin ang aktres at tila wala pang balak bumalik ng Manila. Hihintayin na lang yata ang BF na bumalik ng bansa dahil post nito para kay Glaiza, “see you soon!”

Sabagay, puwede namang magtrabaho si Glaiza kahit nasa Baler at gamit ang laptop, nakakapag-perform siya sa All-Out Sundays. Aalis lang siguro ng Baler si Glaiza kapag nag-resume na siya ng taping ng Afternoon Prime na Seed of Love.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with