Christopher at Sandy, laging puyat sa mga anak!
Christopher at Sandy, laging puyat sa mga anak!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 9, 2020 - 12:00am

Kaya pala late riser sina Christopher de Leon at Sandy Andolong ay dahil halos everyday nagbi-video call sila sa mga anak nila sa abroad. Imagine na magkakaiba pang lugar, ang isa nasa New Zealand, New York, San Francisco, kaya tuliro sila sa pag-adjust sa oras.

Dahil nga nagtratrabaho ang mga anak nila sa abroad, sina Christopher at Sandy ang gumagawa ng time adjustment habang hindi sila nagti-taping o shooting. Kaya nga hindi kataka-taka na usually after lunch na sila gumigising, at talagang medyo tinatamaan ng antok ‘pag maaga bumangon.

‘Katuwa talaga ang technology, kasi nga tingnan mo, kahit nasa abroad medyo nababawasan ‘yung pananabik nila, dahil nga nagkikita at nagkakausap sila sa pamamagitan ng video call. ‘Yung apo nila, hindi na nila masyado nami-miss dahil nga nakikita na nila ito.  I can just imagine ‘yung pag-uusap niyong pamilya na para bang magkakalapit lang kayo, dahil sa modern technology. Kaya nga nang kausapin ni Ted Failon na maging guest si Christopher sa radio niya sa TV5, eh 8 a.m. iyon, kaya ginawa niya iyon bago matulog ha, kasi nga segue sa video call, hah hah. Kalokah talaga.

At least mas konti yata ang bayad sa video call kesa sa long distance noh, medyo tipid, or else, ang laki ng telephone bill. Hay naku, ang technology magic ngayon, big help talaga. 

Presyo ng stocks nadoble, ABS-CBN maingay ang pagpasok sa A2Z

Tumaas na naman daw ang presyo ng stocks ng ABS-CBN. Doble na raw ngayon at sabi, everyday tumataas siya. Sabi ko nga medyo malulula ka sa rami ng commercials nila, siksik talaga. Tapos balita na magbabalik na ang shows sa free TV sa pamamagitan ng Zoe network. Bongga nga na tuluy-tuloy ang taping nila ng bagong shows. At ang shows nila, mga competitive type.

Kaya nga mukhang sa sanda­ling panahon, mababalik ang discounted rates na hiningi nila sa mga artistang naging loyal sa Kapamilya.

Good news ang balita sa stock market, para bang sandali lang ang naging paghihintay sa pagbangon ng ABS-CBN. ‘Yung excitement nga sa launching ng mga bagong show ng TV5, tinakpan agad ng news ng Zoe Network. Talagang merong loyal audience ang Kapamilya na medyo mahirap pang burahin, kahit pa nga naglipatan na ang ilang stars nila sa ibang network.

Iba na talaga ang branding na naiwan sa utak ng tao, ‘yung competition pa rin ng GMA 7 at ABS CBN, talagang mahirap pa rin pasukin ng 3rd force gaya ng TV5. Pero hintayin pa rin natin, genius naman si Direk Johnny Manahan, at siguro naman may pulso si Pat-P Daza sa magaganap kaya nasa Brightlight Productions siya ni Papa Albee. 

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with