Kapamilya shows, kasado na sa Channel 11
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 7, 2020 - 12:00am

Tiyak na nagbubunyi ngayon pa lamang ang loyalists ng ABS-CBN lalo na `yung walang subscription sa cable at iba pang platform dahil ­muling mapapanood ang mga programa ng Kapamil­ya Channel sa free TV broadcast simula sa October 19, araw ng Lunes na sisimulan sa noontime show na It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado at sa araw ng linggo naman, ang ASAP Natin `To.

Sa kabila ng pagkakait ng 70 kongresista na bigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya network, gumawa ng paraang ang pamunuan ng ABS-CBN na muling mapanood ang kanilang mga programa sa telebisyon sa pakikipag-alyansa sa Zoe Broadcast Network ng Jesus is Lord Movement na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva. Ito ang Channel 11 na may joint venture dati with GMA sa kanilang QTV Channel.

Ang pagbabalik sa free TV ng mga programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Channel 11 on October 19 ay siya namang pagsisimula ng bagong noontime show ng TV5, ang Lunch Out Loud (LOL) produced ng Brightlight Productions ng dating kongresista ng Negros Occidental na si Albee Benitez. Ito’y tatampukan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, KC Montero, K Brosas, Bayani Agbayani at Wacky Kiray. 

Bukod sa LOL, mapapanood na rin ang kanilang bagong Sunday musical show na Sunday Ultimate Party na pamamahalaan ng dating head at co-founder ng Star Magic na si Johnny Manahan. Sa nasabing programa ay mapapanood ang ilang regulars sa ASAP Natin `To na sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donnie Pangilinan at ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at Jake Ejercito.

Ang Brightlight Productions din ang producer ng Sunday gag show na Sunday Kada Kada Sunday kung saan kabilang ang ilang members ng cast ng dating gag program ng ABS-CBN, ang Banana Sundae tulad nina Sunshine Garcia, Wacky Kiray, Jason Gainza at iba pa.

Aga, pagkakaisa ang gusto

Sa virtual press conference na ipinatawag ng Viva Communications Inc., Cignal TV, Sari-Sari at TV5, inihayag ang limang bagong programa na produced ng Viva in co-production with Cignal TV na magsisimula ngayong Oktubre 24, 7 p.m. sa pamamagitan ng local franchise ng South Korea’s original musical game show, ang The Masked Singer (Pilipinas) kung saan si Billy Crawford ang host habang sina Aga Muhlach, Matteo Guidicelli, Cristine Reyes at Kim Molina ang tatayong judges.  The rest of the other programs ay matutunghayan sa susunod na buwan (November).

Pare-parehong excited sina Billy at ang apat na judges ng The Masked Singer (Pilipinas) dahil ­maging sila man ay manghuhula kung sinu-sino ang mga celebrity participants na magmumula sa 70’s singers up to the present.  Except sa kanilang singing voice, hindi nila mahuhulaan ang pagsasalita ng mga contestants.

Ang celebrity contestant na makakakuha ng mababang boto towards the end of the contest  ay siyang magtatanggal ng kanyang mask at doon lamang malalaman ang kanyang identity.

Nagpahayag naman si Aga ng pagkakaisa ng lahat ng TV network at huwag na sanang magkaroon ng pagkakawatak-watak dahil lamang sa ratings.  “Sa panahon ngayon, mas kailangan ang pagkakaisa ng lahat,” ani Aga.

Inakala naman ni Kim na isa umano siya sa mga contestants kaya nagulat siya nang sabihan siya na isa siya sa tatayong hurado ng The Masked Singer (Pilipinas).

Ang Viva Communications Inc. at ang Cignal TV ay matagal nang may partnership sa pamamagitan ng Sari-Sari Channel at panahon naman ngayon na matunghayan sa TV5 ang kanilang iba’t ibang content.

Ayon sa President at COO ng Viva Communications na si Vincent del Rosario (panganay na anak ng Viva chairman na si Boss Vic del Rosario), marami pa umano silang naka-line up na programa for TV5 at kasama na rito ang iba’t ibang original content, Korean telenovela at ibang franchise ng ibang musical and game shows sa pagpasok ng 2021.

KAPAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with