Alden, pinalitan na ni DJ Loonyo sa EB?!
Alden
Alden, pinalitan na ni DJ Loonyo sa EB?!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 4, 2020 - 12:00am

Ilang araw ( o linggo ba?) na hindi napapanood si Alden Richards sa Eat Bulaga. Siyempre, miss na miss na siya ng followers niya dahil nang bumalik sa ere ang programa, isa si Alden sa Dabarkads na bumalik sa studio.

Skeletal ang labas ng hosts at ang edad ng Alden ay puwedeng lumabas. Naging maganda nga ang rapport nila ni Maine Mendoza kahit buwag na ang loveteam nila sa TV.

Wala naman sigurong kinalaman ang natapos niyang I Can See You: Love on the Balcony episode dahil one week lang itong tumakbo.

Eh ‘yung special documentary naman niya eh hindi naman masyadong kumain ng araw para matapos.

‘Yung 10th anniversary concert ng Asia’s Multimedia Star ay sa December 8 pa naman. Tapos na rin ang photo shoot niya rito at base sa promo slant, isa itong virtual concert.

Ang bagong mukha ngayon sa Bulaga ay ang viral sensation na si DJ Loonyo. Short lang naman ang segment ni Loonyo na paindak-indak sa segment ng Bawal Judgmental.

Gaya ni Alden, refreshing din ang face ni DJ kaya swak na swak siya sa millenials, huh!

Ang tanong kailan muling makikita si Alden sa Eat Bulaga?

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with