^

Pang Movies

Shooting ng KathNiel, para ring nasa bubble

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Shooting ng KathNiel, para ring nasa bubble
KathNiel

Nagsalita na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo tungkol sa ilang araw nang pinag-uusapang espekulasyon na pakakasal na sila. “We’re getting married!” ang sabay nilang announcement sa TV Patrol last Tuesday.

Pero not in real life kundi sa latest project nila under Star Cinema titled The House Arrest of Us. Ito raw ang first digital movie series ng naturang produksyon at nilinaw na hindi ito sequel ng The Hows of Us na blockbuster movie nila two years ago.

Ang kuwento raw ng The House Arrest of Us ay isang romantic-family digital movie series tungkol sa dalawang tao na na-lockdown kasama ang kani-kanilang pamilya. Nagsisimula na silang mag-shoot ng naturang serye na may 13 parts.

Ito rin ang first project ng KathNiel under the new normal at aminado silang challenging para sa buong team. “Kakaiba ‘yung experience na nandito kami sa parang village style, subdivision, para kaming nasa bubble lang din na walang pwedeng lumabas, wala ring pwedeng pumasok. Kami-kami lang din ‘yung nandito and astig-astig din siya,” sabi ni DJ.

Ayon pa sa aktor, kaya nila ginawa ang project ay gusto nilang bigyan ng kasiyahan ang mga tao sa panahon ngayon ng pandemya. “Ngayon sa panahon natin na ang daming binibigay na pagsubok at problema, gusto nating magbigay ng ngiti,” sey pa ni Daniel.

Mapapanood na raw ngayong Oktubre ang digi-series at kasama nila rito sina Dennis Padilla, Gardo Versoza, Ruffa Gutierrez and Hyubs Azarcon, among others.

Heart, ilalabas na ang mga kantang matagal itinago

May good news ang Kapuso star na si Heart Evangelista para sa kanyang fans. Sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres ang kanyang excitement na mapapakinggan na ang kanyang mga unreleased songs mula pa noong 2005. “It started with this pandemic, actually. I was going through my boxes of memories–and there’s a whole lot of boxes of different things in my life–and I came across my album, which was produced back in 2005. And I had favorite songs that I never really released, and nobody really heard. I’d show snippets on my social media, pero I really was looking forward to that album. I think I was 21 when I did that and that was such a good time in my life.”

Wala pang release date ang nasabing mga kanta ni Heart pero siguradong aantabayanan na ito ng mga tagahanga niya.  Congrats, Heart!

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with