^

Pang Movies

Myrtle, wish makalaro si Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Myrtle, wish makalaro si Alden
Myrtle

Si Kapuso actress Myrtle Sarrosa ang natatanging Pinay na pumasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa Southeast Asia. Honored si Myrtle sa natanggap niyang pagkilala sa kanya dahil kahit matagal na siyang gamer, ngayon lamang nakapasok ang isang tulad niya, dahil sa mga nakaraang taon, walang nakapasok sa Top 100.

Sa interview ni Myrtle sa 24 Oras, pahayag niya, “Yung goal ko talaga for this season natupad. Okey na nga sa akin kahit makapasok lamang ako sa Top 600, but together with my teammates and other fellow Filipinos who played together with me, nakapasok kami sa Top 100.”

Pero wish pala ni Myrtle na makalaro niya ang isa pang mahusay na gamer, si Asia’s Multimedia Star, si Alden Ri­chards. Bukod kasi na isang mahusay na Mobile Legend player si Alden, naglalaro rin siya ng Ragnarok, kaya minsan na niya itong nakalaban.  Kaya looking forward siyang maka-collaborate si Alden.

“Sana maimbita ko siya to play with me.  I hope next time, we can play together  kasi he’s very good din sa video games at nakakatuwa iyong mga live streams niya.” Kahit na abala si Myrtle bilang gamer, tuloy pa rin siya sa kanyang pagko-cosplay na una niyang ginawa bago siya naging artista. Naging guest na rin siya ng GMA Artist Center na Cool Hub na guests din ang winner ng Gyeonggi International Cosplay Festival sa Bucheon, South Korea.  At patuloy pa ring endorser si Myrtle, her 4th year, ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner Celebrity Ambassadress ng Megasoft Hygienic Products.

Pelikula ni Rocco, pumangalawa sa Netflix

Sunud-sunod ang blessings kay Kapuso actor Rocco Nacino, sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin ngayon. Kamakailan, nang makatapos sila ng cast ng Descendants of the Sun PH, labis nilang ipinagpasalamat na naging successful sila sa pagtupad ng health protocols. Kasunod nito ay ang announcement na kabilang na siya bilang isang honorary member ng Naval Special Operations Group (NAVSOG).  At last Monday, September 28, nalaman ni Rocco na ang pelikula niyang Write About Love na isinali sa Metro Manila Film Festival 2019 ay nakakuha ng good reviews nang ipinalabas sa Netflix at second na ito ngayon sa list ng Top 10 in the Philippines Today ng Netflix.

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with