KathNiel fans, nawindang sa kanilang ‘wedding’ posts

KathNiel

Nagkagulo ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa separate posts ng mga ina nilang sina Mommy Min Bernardo at Karla Estrada.

Tila naghihint kasi ng “kasal” ang mga larawang ipinost ng dalawang nanay kaya naman talagang nabulabog ang KathNiel fans.

Nag-post ng larawan ng wedding gown si Mommy Min at ang caption lang niya ay “K(ring emoji)N.”

Larawan naman ng white envelopes ang post ni Karla na mukhang pang-wedding invitation with the same caption na inilagay ni Mommy Min.

Siyempre, assumera na ang peg ng fans at nag-assume na nga na baka ikakasal na sina Daniel at Kathryn. Of course, tuwang-tuwa at kilig na kilig sila and hoping na totoo ngang ikakasal na ang KathNiel.

“Omooo!! etoo naba? So exciteddd iloveyouuuu kath and dj!!!” komento ng isang fan.

Pero ang ibang fans ay ayaw magpaka-hopia and they think na baka eksena sa bagong project ng KathNiel ang wedding.

“Omggggg kasal sila sa sitcom!?” reaksyon ng isang fan.

“Yeah sitcom yan. Bka mag asawa sla dun,” sagot naman ng isa.

Pero project man o totoong kasalan, nagpahayag na ang fans na excited na sila for this kung ano man ito.

Bea, bibida sa Magpakailanman

Official na rin ang pagbabalik-trabaho ng Kapuso actress na si Bea Binene.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram story na ang kanyang unang acting gig ngayon ay para sa fresh episode ng drama anthology na Magpakailanman.

Noong hindi pa nagbabalik sa taping, naging busy si Bea sa kanyang online food business na Bea Bakes kung saan siya mismo ang nagbe-bake ng mga ibinebenta niyang cookies, muffins, at iba pang sweet treats.

Show comments