Alden, tututukan naman ang concert
Alden
Alden, tututukan naman ang concert
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

Sunud-sunod ang pagpo-promote ni Alden Richards ng projects na hanggang December na aabangan sa kanya ng fans. After ng airing ng Lockdown: Food Diaries kahapon, aabangan naman si Alden sa I Can See You: Love On The Balcony na this Monday ang airing hanggang October 2.

Hindi pa man halos nakakahinga ang fans ni Alden sa pag-aabang sa kanyang new projects, nagsimula na rin siyang mag-promote ng digital concert niya happening on December 8. In fact, nag-pictorial na ang Kapuso actor for his digital concert billed #Aldens­Reality na celebration ng 10th anniversary niya sa showbiz.

Sabi ni Alden, “Magkalayo man parang magkakalapit lang. Excited to share this new project with you! Sa Dec 8.”

Ang daming gustong malaman ng fans ni Alden sa kanyang concert, pero as of now, title muna at time ng streaming na 9 p.m., dito sa Pilipinas ia-announce. Streaming din ang concert abroad gaya sa New York, London, Rome, Singapore, Sydney, LA, San Francisco, Chicago, Toronto, Dubai, Jeddah, Vancouver, at sa iba pang parte ng mundo.

Anyway, sa Zoom presscon nina Alden, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno para sa I Can See You: Love On The Balcony, nabanggit na sa condo niya muna siya nag-i-stay at umuuwi lang sa Sta. Rosa, Laguna once a month o once every three weeks at ‘di rin siya nagtatagal. Para raw maiwas niya sa virus ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang grandparents.

Sa isang video sa kanyang condo, nag-react ang fans dahil parang ang laki ng condo unit ni Alden at may second floor pa o baka loft, basta malaki. Kanya-kanyang hula tuloy ang fans kung magkano binili ni Alden ang kanyang unit. Hahaha!

Still on Alden, isa na siya sa celebrity na dumaan sa maraming COVID-19 tests dahil ang bilang niya as of Friday, dumaan na siya ng four swab testing, one antigen test, at thousand rapid testing na. Dadaan uli siya ng swab testing sa October at may bago yata siyang project.

MegaSoft, walang balak palitan ang Kapamilya endorsers

Inamin ni Ms. Aileen Choi-Go, VP for Sales and Marketing ng Megasoft, na naapektuhan ang kanilang kumpanya sa COVID-19 pandemic. “Struggling” ang ginamit nitong description sa sales ng kanilang MegaSoft dahil sa “new normal.” Naninibago sila, pero mabilis din silang naka-adapt.

“Sa tanong kung gaano kami naapektuhan ang business namin dahil sa pandemic? Una, hindi namin alam ang gagawin. Last year, October pa lang, may plano na kami for 2020 na hindi nga nasunod. Ang maganda  sa atin, resilient tayo, everyday nag-a-adjust at up to now, nag-a-adjust pa rin, pero nakakabangon naman. Bukod sa diapers at baby products, naglabas na rin kami ng essential products na kailangan ngayon, gaya ng face mask at face shield,” balita ni Ms. Aileen.

Ibabalik din nila ang school campaign na kanilang ginagawa bago ang pandemic kapag nakapag-adjust na ang mga eskwelahan. “Babalik din kami dahil ang ganda ng resulta pati sa mga bata. Kaya, laban lang!” dagdag pa ni Ms. Aileen.

Isa pang magandang ibinalita ni Ms. Aileen, bukod sa ni-renew ang kontrata ni Myrtle Sarrosa for the third time bilang brand’s celebrity ambassador ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliner, hindi rin niya aalisin o papalitan ang celebrity endorsers ng Megasoft kahit sarado ang ABS-CBN.

Game KNB ibabalik, Kris nire-request

Ibabalik pala ng ABS-CBN ang game show na Game KNB sa October na. Abangan na lang daw ang announcement kung sino ang magho-host ng game show. Nabasa namin ang mga pangalan nina Toni Gonzaga, Billy Crawford, at si Edu Manzano uli na magho-host ng game show.

Pero, lilipat na sa TV5 si Billy, malamang out of contention na siya. Mas malamang na isa kina Edu at Toni ang magho-host at baka may napili ng iba ang ABS-CBN. Sa Kapamilya Channel mapapanood ang pagbabalik ng Game KNB?

Matatandaang si Kris Aquino ang matagal na host ng Game KNB at sa nabasa naming comments, siya pa rin ng gustong host ng Kapamilya viewers. Sabi nila, baka it’s the right time na para ibalik sa telebisyon si Kris at mas maganda ang kanyang pagbabalik kung sa dati niyang hino-host na game show siya mapapanood.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with