Gretchen, mas pinili uli si Bea kesa kay Julia
Bea
Gretchen, mas pinili uli si Bea kesa kay Julia
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 20, 2020 - 12:00am

Isyu na naman ang pagla-like ni Gretchen Barretto sa photo ni Bea Alonzo kesa sa pamangkin niyang si Julia Barretto sa isang website.

Ang tanong kasi ay “who did it better?” at ang sagot ni Gretchen, “Oh me too... Bea my Bea.”

Naaliw na naman ang netizens dahil may pag-uusapan na naman daw sila, pero may nalungkot din dahil kahit may Covid-19 na, hindi pa rin tapos ang isyu ng mga Barretto at mukhang hindi na matatapos.

Hindi ito ang first time na nag-like si Gretchen sa photo ng itinatapat kay Julia, kaya kung nakakarating man kay Julia at sa mom niyang si Marjorie Barretto, hindi na bago at hindi na sila nasasaktan.

Speaking of Julia, after this pandemic, magaling ng magluto ang Kapamilya actress dahil parang wala itong ginawa kundi ang magluto. Sabi nga nito, “I only learned how to cook this year during quarantine, and I am so excited and grateful for the opportunity to learn more. Watch me learn how to cook recipes from 4 different countries.”

Dahil kay Apl.d.Ap, KC pinasalamatan ni Shakira

Ayan, malinaw, friend lang ni KC Concepcion ang sinasabing boyfriend nitong si Apl. de Ap dahil sa pinost niyang video greetings from the popular international singer Shakira courtesy of Ap. de Ap, nag-thank you ito at ang sabi, “S/O to my good friend @apldeap for this surprise x.”

Nagpasalamat si Shakira kay KC for liking her music at nabanggit na “a little birdie told me that you like my music. I wanna say hi and congratulations on your new show...your cooking show...”

Heto ang buong post ni KC: “Thank you for supporting my newfound quarantine passion, my fitspiration, immortal powerhouse woman, @shakira! OMG her Super Bowl performance was 100 % and can’t wait for her new single Girl Like Me to drop alongside my @bep bros.”

Ang daming napa-“wow,” “OMG” at nainggit kay KC dahil sa video greetings na ito ni Shakira at pinuri rin si Apl. de Ap sa effort nito na kumuha ng video greetings na alam na favorite ni KC.

Isa pa itong si KC na dahil sa Covid-19 at qua­rantine, inilabas ang skill sa pagluluto at ang dami na niyang alam lutuin. Plus, nagku-collab siya with different chefs at celebrities na magagaling magluto, kaya kakaiba rin ang cooking show niyang The KC Diaries Kitchen Collabs.

Sunud-sunod na rin ang pagre-resume ng taping ng teleseryes ng GMA-7 dahil hindi pa man tapos ang taping ng Descendants of the Sun, nag-resume na rin ang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Lock-in taping din ang cast ng teleserye nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky, at Dina Bonnevie at in fact, nasa location si Barbie sa latest photo na kanyang in-update.

Wala pang advisory ang GMA-7 kung kailan muli ang airing nito.

May fans lang sina Barbie at Jak Roberto na concerned dahil kung ganyang may lock-in taping si Barbie, hindi sila makakapag-celebrate ni Jak ng kanilang monthsary na ngayong araw daw.

Albee nagpaliwanag sa kingmaker

Ang post ni Albee Benitez na “Hindi ako kingmaker, blocktimer lang sa TV5” at “TV5 here we come...”

Kasunod nito, itinanggi ni Mr. Benitez ang balitang sinabotahe niya ang quick approval ng 2021 budget, sa kung anong paraan, hindi na nabanggit.

May photo rin si Mr. Benitez kasama si Mr. Manny Pangilinan ng TV5 at ang caption ay “Looking forward to a fruitful partnership...” Blocktimer kasi si Mr. Benitez at siya ang producer ng mga bagong show na papasok sa Kapatid Network na ang cast ay Kapamilya stars.

May nagtanong kay Mr. Benitez kung bakit niya kinansela ang show ni Kris Aquino na hindi nito sinagot. Hindi naman yata siya ang producer ng show ni Kris, ibang producer na hindi napangalanan hanggang ngayon.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with