Marian, ‘di kayang iwanan ang mga anak

It’s on record na, Salve A., na hindi na matutuloy ang series na First Yaya, first team-up sana nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Kusang nag-back out si Marian, dahil hindi raw niya kayang magpa-lock-in, while taping for the series.

Nangangahulugan nga naman itong dalawa o higit pang linggo rin niyang hindi makakapiling ang dalawang anak.

Eh, for Marian, alam nating her being a mom and wife are foremost for her.

Ang tanong, nangangahulugan ba na matutuloy na ang project na unang pagsasamahan nina Gabby at KC Concepcion?

KC at Apl, walang update

Of KC, another rumor about her is that may balikan daw na magaganap between her and Piolo Pascual.

Kaya?

In the news sa kasalukuyan si Piolo because of the ‘intriga’ currently being “exposed” about him ni BB Gandanghari.

Of KC again, how come na kasabay ng ending ng pa-contest na The Voice Teens, nag-end na rin ang report na may ugnayang namamagitan between her at ng Filipino foreign singer na si Apl.de.Ap?

Apl played juror, along with Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga sa The Voice Teens.

Manay Ichu, Inilibing na

Right after the mass via Zoom for Manay Ichu Maceda, which Bishop Socrates Villegas officiated, dinala ang kanyang urn sa kanyang libingan sa Manila Memorial Park in Parañaque kahapon.

May you rest in peace, Manay Ichu.

(Rest in peace Manay Ichu. Thank you. – Salve)

Show comments