Boobs ni Pia nambulabog!

Binulabog ni Pia Wurtzbach ang followers niya sa kanyang Instagram sa kanyang photo post suot ang two-piece swimsuit dahil lutang na lutang ang kaseksihan. Boobsie si Pia, kaya halos hindi kasya ang swimming top.

Kaya ilan sa mga kaibigan ang napasigaw sa kaseksihan ng former Miss Universe. Si Ellen Adarna nga, napa-“Grabihaaaa piaaaa” na sinundan ng fire emojis. May nag-comment naman ng wala pa ring tatalo kay Pia.

Nakakatawa ang isa pang comment na sobrang suwerte kay Pia ang BF nitong si Jeremy Jauncey na sa inis siguro ng isang netizen, hinamon ng suntukan ang nobyo ni Pia. Hahaha!

Anyway, isa si Pia sa naba-bash sa pagiging kritikal sa gobyerno at sa mga isyung araw-araw na lang ay nadadagdagan.

Ang huling isyu na nag-comment si Pia ay ang pagbibigay ni President Rodrigo Duterte ng absolute pardon kay Joseph Scott Pemberton. Kaya ang payo nito, “let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us...Please, lahat tayo, dapat mag-register na maging voter. Hindi na sapat na sa social media lang tayo naririnig. Our voices need to be heard through our votes.”

Darren, ‘di apektado sa bintang na bading

Nagsalita na si Darren Espanto tungkol sa hindi matapus-tapos na isyu ng kanyang sexual preferences.

Sa vlog ng friend niyang si Kyle Echarri, nagsalita si Darren tungkol dito at nabanggit pang hindi na niya pinapansin ang bashers at pamba-bash sa kanya.

“How do I deal with those people? You know what, just don’t mind them. Kasi sa industriyang ginagalawan natin, we’re always going to run into people like that, especially bashers. Kasama ‘yan sa mundo ng showbiz. I personally don’t mind them. I know na wala naman silang mas maganda na gawin sa buhay kaysa sa akin like c’mon! That’s pretty much it. Like who cares about them?

“A lot of people are like “bakla ‘yan kasi ganito, ganyan.’ Ever since The Voice Kids, when I started singing songs for girls or like I have a high voice in general they always assume my sexual preference pretty much. But I’d like to let everyone know that I’m straight.  ‘Yun lang. Parang kapag bored sila, sasabihin nilang ‘Ah bakla ‘yan.’ so ‘yun,” pahayag ni Darren.

Kaya sa bashers ni Darren, sorry na lang at hindi na apektado si Darren sa mga hanash n’yo, kaya effort pa kayo.

Sexbomb, may Christmas reunion

Magandang balita sa fans ng Sexbomb Girls ang balitang may nilulutong Christmas reunion ang grupo na masayang ibinalita ni Rochelle Pangilinan  sa guesting niya sa Unang Hirit kamakailan.

Ayon sa aktres, pinaplano ng kanilang grupo na magkaroon ng cover ng isang

Christmas song para sa kanilang supporters. Hindi na muna binanggit ni Rochelle kung anong Christmas song ang kanilang ire-record.

Samantala, na-share rin ni Rochelle na enjoy siya sa bonding time kasama ang kanyang mag-ama na sina Arthur Solinap at Shiloh habang naka-quarantine sa bahay. Nakuwento rin nito na mahilig sumayaw si Shiloh at tuwing nagpapatugtog ng song si Arthur at narinig ni Shiloh, sasayaw na ito.

Pareho sina Shiloh at Alessa, anak naman ng Sexbomb dancer na si Jopay Paguia at Joshua Zamora na sa murang edad, mahusay ng sumayaw at ibang klaseng gumiling.

Ang anak kaya ng ibang original members ng Sexbomb, mahuhusay din kayang sumayaw?

Show comments