Lovi biglang nagkaroon ng fans sa abroad

Lovi

Sa recent interview ni Lovi Poe, naikuwento niya na simula nang ipalabas ang drama series niyang Someone To Watch Over Me sa Uruguay, Peru, Ecuador, Kenya at sa Kapuso international channel na GMA Life TV, nakakatanggap daw siya ng messages mula sa mga manonood abroad, “I’ve been getting messages about Someone To Watch Over Me since it was aired abroad pero hindi sila Filipino. They sent me direct messages saying how much they love the show.”

 Dagdag ng aktres, “It’s nice na we reached people who are not just Filipinos now because of GMA Pinoy TV. So it’s nice na we get to share the kind of shows and stories that we have here and they finally somehow know or get to meet us when they see us sa iba’t ibang platforms.”

Bongga si Lovi.

Tony at JC, nagpakilig din sa duet

Isa pang super pumatok na Boys’ Love ang Hello Strangers na natapos pa lang kamakailan at balitang magkakaroon ng movie version.

Kaya naman matapos ang finale hit nito na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara, may kilig naman ang duet nila ng kantang  Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba mula sa Star Music.

Malaki ang naging bahagi ng kanta sa istorya ng digital offering mula sa Black Sheep, lalo na kapag tumutugtog ito sa mga nakakatunaw na eksena nina Xavier (Tony) at Mico (JC).

Para sa mga XavMi fans na hindi maka-move on sa finale scene kung saan kinantahan ni Xav ng  Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba si Mico at inawit din ni Tony ang solong bersyon ng kanta na tumatalakay sa kahalagahan ng tiwala sa isang relasyon.

At ngayon nga ay dinudumog ng fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang in-studio version ng kanta na in-upload sa YouTube at pinuri ang chemistry nina Tony at JC pati na ang magaang rendisyon nila sa kanta.

Grabe. In real life kaya may chance sila?

Charrrot…

Show comments