Jennylyn, magpapa-lock-in

Back to work na rin si Jennylyn Mercado dahil nakatakda na silang mag-resume ng taping ng Descendants of the Sun Ph ngayong buwan.

Sa ngayon nga ay abalang-abala na ang Kapuso Ultimate Star sa paghahanda ng kakailanganin niya sa set. Madalas din silang mag-script-reading ng DOTS team para sa smooth flowing ng taping.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Jen.

Kaba dahil siyempre, hindi maaalis ang pangamba lalo na nga’t mas dumarami pa ang positive cases ng COVID-19.

Pero sinisiguro rin naman ng GMA-7 ang protection and safety ng lahat mula sa artists, director, production and crew. In fact, naka-schedule na silang lahat para mag-swab test a week prior to their pull-out.

Ten days silang naka-lock in sa location at tatapusin na nila ang lahat ng natitirang episodes. Wala pang sinasabing airing date pero ang alam namin ay very soon na ito.

For sure ay mas ganadong magtrabaho ang buong cast and production team ngayon dahil nga sa pagkaka-recognize ng DOTSPh as Most Popular Foreign Drama of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.

Kylie, nagpapa-sexy na ulit

Uumpisahan na raw ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kanyang fitness journey. Excited niya itong inanunsyo online, “Officially started my weight loss journey. And man, am I excited to see my body change and evolve once again. I’m just thankful I am healthy and be able to move as I do. Since I am breastfeeding, though, I need more and more hydration. Something I can’t forget to keep my milk supply efficient to feed Axl. Game on!”

Kuwento ni Kylie, hinayaan daw muna niya ang sariling maka-recover nang tuluyan bago simulan ang pagpapapayat. Matatandaan na ipinanganak niya ang bunsong si Axl Romeo walong buwan na ang nakararaan.

Show comments