^

Pang Movies

Daniel, binigyan ng pera ang nakabangga sa kanyang sasakyan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Daniel, binigyan ng pera ang nakabangga sa kanyang sasakyan

Ang tweet ni Karla Estrada na “Guys ok si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At syempre everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!”

Kaugnay ito sa nangyaring aksidente ni Daniel Padilla kung saan binangga ng isang tricycle ang minamanehong sports car ni Daniel.

Nag-alala ang fans ng aktor kahit nakita nilang walang nangyari rito, hindi nagalit sa trike driver at binigyan pa nga ng pera.

Pinuri ng netizens si Daniel sa ginawa na hindi na kinasuhan ang trike driver at binigyan pa ng pera.

Alden, pinaka-latest na ‘pinatay’ ng netizens

Si Alden Richards ang latest na “pinatay” ng mga walang magawang netizens at sa Facebook post ng isang Cyrel Dave Organo, ibinalita ang tungkol dito via Breaking News pa raw.

“Alden Richards patay na! matapos pagbabarilin sa mismong loob ng kanyang sasakyan habang hawak ang isang bata na anak ng kanyang pinsan. Kuhang-kuha sa cctv ang ginawang pagpatay sa kanya. Mamimiss ka namin Alden: (sana mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Panoorin niyo pos a profile ko ang video. #Justice4Alden #Respect.”

Mapapansing pare-pareho ang content ng fake news na pagkamatay diumano ng mga celebrity mula kay Ai-Ai delas Alas at Kim Atienza. May konti lang iniiba sa content ng story ang nagpo-post. Iba’t ibang pangalan din ang nagpo-post, pero iisa halos ang laman.

Hindi natuwa ang fans ni Alden sa fake news na ito ni Cyrel Dave Organo at ini-report nila sa FB ang ginawa nito. Sana nga i-suspinde ng FB ang mga account na nagpapakalat ng fake news. Mabuti na lang at walang sakit sa puso ang mga nakabasa na fans nina Ai-Ai, Kim at ngayon ay si Alden.  

Paano kung may maniwala sa kanilang mababasa at may mangyari?

Buhay na buhay si Alden at kahapon nga, nasa Eat Bulaga siya via Zoom at sana, napanood ‘yun ng nagpakalat ng fake news.

Also, inaabangan na ng fans nito ang paglabas ng aktor sa One True Love dahil miss na nilang mapanood umarte ang aktor.

Bitoy, matagal pa raw bago magkaroon ng pang-amoy/lasa

Napanood namin ang vlog ni Michael V. kung saan, ibinalita nitong magaling na siya sa COVID-19, pero hindi pa 100 percent bumabalik ang kanyang sense of smell at sense of taste. Sabi naman daw sa kanya ng mga doctor, hindi agad babalik ang panlasa at pang-amoy niya at may kaso pa nga na inaabot ng buwan bago bumalik ang kanyang panlasa at pang-amoy.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with