Kris inaalat talaga

Totoo palang hindi na naman tuloy ang pilot telecast ng TV show ni Kris Aquino sa August 15, eh todo promote pa naman ang ginagawa rito.

Walang sinabi ang source namin sa rason ng bagong postponement ng show ni Kris.

Sayang naman dahil bongga kung si Kris ang flag-bearer ng network. Marami siyang followers na naka-miss sa kanya sa TV at malakas pa rin ang appeal niya sa advertisers, huh!

Eh sa shows na magsisimula sa TV5, walang masyadong bagong content. Binuhay ang dating show ni Ryan Agoncillo at isang morning show na parang maraming kapareho ng format.

Makabagong content ang gustong mapanood ng publiko. ‘Yun ang dapat ang ipalabas at hindi rehash, ‘no?

Saka kumuha ng taong suwerte at fresh ang ideas. ‘Yung pang-TV ang konsepto at hindi napag­lipasan ng panahon!

Tanggalin rin ng TV5 ang mga malas na nagdudunung-dunungan sa kalakaran ng industriya!

Buhusan pa ng disinfectant para mawala ang kanegahang dala!

Show ng Legaspi family, mas pinaaga pa

Mas pinaaga ang weekend bonding kasama ang Legaspi family dahil pinaaga ang Saturday morning talk show na Sarap ‘Di Ba? sa ganap na 10 a.m.

Makisaya sa unli-chikahan, easy recipes at fun activities nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi na direktor ng Bahay Edition ng programa.

Next week, August 15, ang selebrasyon naman ni Carmina ang handog ng programa.

Show comments