Maraming artista, sawsaw pa more...
Sawsaw na naman ang ilang celebrities sa isyu ng nakawan umano sa PhilHealth na tumalakay nu’ng isang araw sa Senado.
“GREED AT ITS FINEST,” tweet ni Anne Curtis sa report ng CNN Philippines sa Twitter kahit nasa Australia pa siya, huh!
“P15 billion 15 billion daw ang halaga ng nakurakot sa PhilHealth. That is equivalent to over 11 million UP test kits.
“Mukhang malala pa ang sakit na kurakot kaysa COVID,” tweet ni Bianca Gonzales.
Naku, sundin na lang nga ng ilang celebrities na nakikisawsaw at nakikipagtalakan sa kanilang social media account ang payo ni Manay Lolit Solis kay Jennylyn Mercado sa Instagram na unahin ang pagtulong sa mga taong apektado ng pandemya bago sumawsaw at maglabas ng opinyon!
Isa rin sa nasampolan ni Manay si Bela Padilla na pinaringgan si Senator Bong Revilla Jr.
- Latest