Nag-trending...Clint mahiwaga ang IG stories

Clint

Trending sa Twitter kahapon sina Catriona Gray, Sam Milby at Clint Bondad. What is the meaning of this???

Nahiwagaan ang ilang netizens sa sunud-sunod na cryptic messages ni Clint sa kanyang Instagram stories.

Maraming nagulat sa post na ito ng model-actor. “Nobody can judge me. I know your dirty little secrets too… well.

“Careful who you go to bed with.

“Don’t let me be the reason for your anxiety attacks.

“Hell. It’s comfy here.

“Don’t worry I am only…the ex.”

Feeling naman ng ilang netizens ay na-hack ang account ni Clint.

Palaisipan pa rin kung sino ang pinatatamaan ni Clint sa posts niya.

Unlike Pia Wurtzbach nang maghiwalay sila ng boyfriend na si Marlon Stockinger, masali­muot ang paglantad sa publiko nina Catriona at Sam.

Parang normal pa rin sa showbiz na sa gitna ng pandemya ay ang dami pa ring issues at controversies, huh!

Show comments