Sa advice ni Karla, Wacky Kiray nagpasalamat na nakabili ng bahay!
Wacky Kiray
Sa advice ni Karla, Wacky Kiray nagpasalamat na nakabili ng bahay!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - July 7, 2020 - 12:00am

Labis ang pasasalamat ni Wacky Kiray kay Karla Estrada, who advised him na habang kumikita siya, asikasuhin niya ang magkaroon ng sariling bahay.

Owner siya ngayon of a three-storey house. Napatayuan rin niya ng bahay ang kanyang ama’t ina, na parehong umaasa lang sa kanya, sa Las Piñas City.

Otherwise, ani Wacky Kiray, malaking problema ang pambayad sa upa ng bahay, lalo’t ngayong halos wala siyang kinikita, as a comedy performer, dala nga ng pagsara ng mga comedy bar.

Oo nga at may programa siyang umeere. Yes, I Can See Your Voice, na gabi-gabi, weekdays, ay napapanood lately sa Kapamilya Channel pero replays na, kaya wala na siyang sinasahod, kumbaga.

Wacky Kiray said that, as per the advice muli ni Karla, and her co-hosts in Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, he might venture into the food business, selling his own recipes, na kanyang lulutuin, via online.

TV5 gagawing TV Wonder?!

May mga programa na raw na naka-line up ang, henceforth, makikila nang TV Wonder (or, is it OneTV), dating TV5.

Nangunguna na riyan, of course, ang diumano’y ihu-host na talk show ni Kris Aquino. She herself will produce the show daw, with of course sa tulong ng talent management niya owned by Erick Raymundo, Cornerstone.

May mga programa rin daw na inihahanda sina Perci Intalan and his partner, direk Jun Lana, isang talk program din.

And did we hear it right na kahit ang mga original Star Magic talents na sina Piolo Pascual at Bea Alonzo ay may binubuo ring show for the network?

Barbie mas na-realize na kailangang mag-ipon

May natutuhan daw ang young Kapuso star na si Barbie Forteza, sa still existing lockdown, kung saan nag-stay at home ang karamihan, kung wala rin lang importanteng pupuntahan.

In her case, halimbawa raw ay she became more conscious of the need of her family. And of course, the need to save, dahil one will never know, when savings count most.

Nakatulong din, of course, nang malaki na happy siya sa kanyang current lovelife. Jak Ro­berto is turning out to be an ideal boyfriend.

BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with