Ina ni Chanda Romero sa Cebu, namatay sa COVID-19
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

Hindi rin pala nakaligtas sa COVID-19 ang mom ni Chanda Romero dahil sa latest post ni Chanda Romero sa Instagram na “Go with God now, mom till we meet again. We love you very much” at kasamang pinost ang old photo ng ina.

Sa Cebu nakatira ang mother ni Chanda at noong June 17, nanawagan siya na kailangan ng mom niya ng plasma from COVID patients at type O blood. Nabanggit nitong naka-confine ang mom niya sa Cebu Doctors’ University Hospital.

Noong  June 20, nag-update si Chanda sa lagay ng ina, nasa hospital pa rin ito at kailangan pa rin ng plasma. Pinasalamatan din ni Chanda ang mga nagdasal para sa ina at nag-donate ng dugo.

Pero, last Friday o early Saturday, ibinalita ng beteranang aktres na pumanaw na ang kanyang ina at kung susundin ang patakaran ng hospitals sa COVID-19 patients, ike-cremate ito.

Kung hindi nakauwi ng Cebu ang aktres, hindi na niya nakita ang ina sa huling sandali.

Ang daming nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ng ina ni Chanda.

Sharon umaming never naabutan ng datung ni KC

Nag-react para kay KC Concepcion ang supporters nito sa feeling nila, pagkukumpara ni Sharon Cuneta sa anak na si KC at sa kapatid nitong si Frankie Pangilinan. Nakaka-offend daw para kay KC ang sinabi ni Sharon ang ginawa ng kanyang mga anak sa una nilang suweldo.

Nakuwento kasi ni Sharon na nang unang sumuweldo si Frankie, ibinigay nito sa kanya ang envelope na naglalaman ng buo niyang suweldo. Sinabihan daw niya si Frankie na bigyan na lang sila ni Sen. Kiko Pangilinan ng tigwa-one thousand, pero ipinilit nitong ibigay ang buong sweldo.

Sa binanggit ni Sharon na “KC for all her sweetness never did this” daw nangyari ang pagkukumpara niya sa mga anak. Kahit daw sinabi ni Sharon na hindi ibig sabihin ay hindi sila naisip ni KC, pero first time raw nangyari sa kanila ni Kiko na ibinigay ni Frankie ang buo nitong sweldo.

Hindi naman siguro ito gagawing isyu ni KC na nang makalabas ng bahay after a long time ay nagpunta sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Saka, busy si KC sa pakikipag-cooking collab sa iba’t ibang chefs.

Nauna na siyang nakipag-collab kay Judy Ann Santos.

Aicelle at Maricris, pareho ang pinagdaraanan  

Parehong buntis ang La Diva members na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia at halos magkasunod silang nagbuntis, nauna lang ng ilang months si Maricris.

Sa interview sa 24 Oras, nakuwento ng dalawa na halos pareho ang mga pinagdaraanan at nararamdaman nila sa kanilang pagbubuntis.

Gaya nang mapili sa pagkain, pero kapag nandiyan na ang ni-request, ayaw nang kainin. Pati ang feeling na nasusuka sila tuwing umaga, pareho sila.

Magkaiba lang sina Aicelle at Maricris sa gusto nilang gender sa kanilang first baby.

Si Maricris, gusto baby girl at baby boy naman ang gusto ni Aicelle. Pero ang asawang si Mark Zambrano ay gusto raw ng baby girl, dahil malambing daw ang baby girl.

Anyway, magkakasama uli sina Aicelle at Maricris sa isang project dahil sila ang kakanta ng theme song nang nagbabalik na Wish Ko Lang na ihu-host pa rin ni Vicky Morales.

CHANDA ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with