Sarah, iniintriga sa pananahimik sa pagsasara ng ABS-CBN

Impluwensiya raw ni Matteo na DDS

Iniintriga sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa reaction nila sa franchise issue ng ABS-CBN.

Bakit daw si Regine, two years pa lang sa Kapamilya network, ramdam ang deep concern sa pinagdadaanan ng network. Nagku-comment sa kanyang Instagram si Regine ‘di bale nang ma-bash. May solusyon naman ito, dini-disable ang kanyang comment box.

Samantalang si Sarah, matagal na raw sa ABS-CBN, pero hindi man lang magsalita o kaya’y nag-comment o nag-tweet man lang ng suporta sa network.

Granted na Viva artist siya, pero sa ABS-CBN siya lumalabas.

Tanggap ng Kapamilya fans na tahimik si Sarah at hindi sumasali sa mga isyu, pero sana raw kahit this time man lang, magparamdam siya ng suporta sa kanyang home network.

Depensa ng fans ni Sarah, paano makikipaglaban si Sarah eh, ang ibang Kapamilya stars na alaga ng network, hindi rin nagpapakita ng suporta sa ABS-CBN.

Iilan lang daw ang nakikipaglaban at nagpapahayag ng suporta, majority ay tahimik lang.

Ang asawang si Matteo Guidicelli ang sinisisi ng iba sa diumano’y pananahimik ni Sarah sa isyu ng ABS-CBN. DDS daw kasi si Matteo o supporter ni President Rodrigo Duterte at kung papansinin, hindi rin nagpapahayag ng suporta si Matteo sa Kapamilya Network, kaya hindi rin kumikilos si Sarah.

Samantala, muling nakita ng fans sina Matteo at Sarah sa gender reveal ng baby ng sister ni Matteo.

Wish ng AshMatt fans, magka-baby na rin sina Matteo at Sarah para mas maging masaya ang kanilang pagsasama.

Eugene gustong yakapin ang mga Kapamilya

Ang post ni Eugene Domingo na “I may not understand many things because it is difficult for my small brains already... Ang sigurado ko lang ay gusto ko kayong yakapin. #industrylove.”

Ang ginamit na picture ni Eugene ay logo ng ABS-CBN at emoji na nakayakap sa logo. Wala lang makapag-comment sa post na ‘yun ni Eugene dahil disable ang comment box niya.

Maganda sana kung mababasa ang comments ng netizens, pero IG account ito ni Eugene at siya ang masusunod.

Sa simula pa lang ng franchise issue ng ABS-CBN, nagpahayag na ng suporta si Eugene sa mga kaibigan sa ABS-CBN.

Tama ang sinabi nitong kahit nasa GMA Network siya, marami siyang kaibigan sa Kapamilya Network at nakikisimpatiya siya sa kanila.

Lalo pa nitong malulungkot si Eugene sa mga kaibigan sa ABS-CBN sa balitang sa emergency meeting via Zoom sa staff ng network, sinabihan sila ng management na after July 30, puwede na silang maghanap ng ibang trabaho o kaya’y lumipat sa ibang network.

Si Eugene nga naman, maayos ang estado sa GMA-7 dahil tuloy pa rin ang Dear Uge at ngayon, may rerun ang Celebrity Bluff na kanyang hino-host.

Show comments