^

Pang Movies

Sharon gusting gawing presidente si VP Leni, tinawag tuloy na plastic at hambog

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa kanyang recent Instagram account, nabanggit ni Sharon Cuneta ang dalawang babies na nalaglag sa kanyang sinapupunan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat that the Megastar had two miscarriages in a span of five months bago pa man niya isilang ang panganay nila ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie. Nabanggit niya ito in one of her posts last year.

Sa post ni Sharon kahapon, sinagot niya ang isang art card na nagsasaad ng “name someone you wish to see everyday.”

Sagot ni Megastar, “di puede one lang eh. Jesus Christ, My Daddy & Mommy, Rafael/e and Andrea (the babies I miscarried). At dito naman habang buhay pa ako, sana si Keanu Reeves at Hyun Bin. Ngee. LOL.”

Eh dahil nga binanggit niya ang Korean actor na si Hyun Bin, may mga nagtaka since si Gong Yoo ang una niyang nagustuhang K-actor.

Pero kahit wala namang negativity ang post ni Sharon, may mga nang-bash pa rin sa kanya sa comment section at sinabihan siyang lumabas na raw ang tunay niyang kulay, plastic at hambog.

Feeling namin, may kinalaman ito sa sinabi niya sa kanyang IG Live noong Lunes na si Vice President Leni Robredo raw ang gusto niyang maging next president. “Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya. Baka sakaling bumalik ang pagka-disente ng karamihan sa atin,” pahayag ni Sharon.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with