Klownz at Zirkoh ni Allan K, tuluyan nang nagsara
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

Goodbye, Klownz at Zirkoh Comedy Bars. Kinumpirma ang pagsasara ng ilang stand up comedians at empleyado ng bars na halos dalawang dekada ring namayagpag sa Quezon Avenue (Klownz) at Timog Avenue (Zirkoh).

Pag-aari ito ng magkasosyong sina Allan K at Lito Alejandria. Naging tahanan din ito nina John Lapus, Jose Manalo, Wally Ba­yola,  Boobay, Ate Gay, Kim Idol at iba pa sa larangan ng nightly entertainment.

Ang closure ng business ni Allan ang mala­king dagok ng pandemyang dulot ng COVID-19. Hanggang ngayon kasi, wala pang katiyakan kung kailan babalik ang mga leisure entertainment gaya ng comedy bars.

Malungkot para kay Allan at stand-up comedians ang pagsasara ng kanilang pinagkakakitaan. Eh wala rin silang magagawa dahil buhay pa ang virus sa bansa at dumarami pa ang nahahawa.

Magbukas man, malabo ring kumita dahil tiyak na limitado ang puwedeng makapasok na tao.

Kaya naman ang ibang stand-up comedians ngayon, may nagbebenta na sa online habang ‘yung iba ay may online show na nagbabakasa­ling may magandang loob na mag-donate o ‘di kaya may channel sa YouTube na naghahangad dumami ang subscribers at may pumasok na ads para may kaukulang datung na katapat!

Salamat sa kasiyahang ibinigay ninyo, Klownz at Zirkoh lalo na kay Allan K!

ALLAN K
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with