^

Pang Movies

Mga make-up artist at hairstylist ‘di binigyan ng ayuda

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Talagang kailangan na ng tulong ng mga business na tulad ng mga beauty salon. May nagkuwento sa akin na kaya pala hindi nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) o financial assistance ang mga make-up artist at hairstylist kasi nga raw mga single sila dahil mga gay ang karamihan sa kanila.  Pero ang hindi alam ng marami ay mostly mga breadwinner ang mga gay na ito sa kani-kanilang pamilya.

Mabuti na lang at ngayong June puwede nang mag-operate ang mga salon at barber shop.

Kung ikaw, Salve, kaya mo, mas mabuti sigurong magpa-home service ka na lang para hindi maging hassle sa iyo ang pagpunta sa parlor. At si­guro naman dahil hindi na uso ang malala­king ga­thering, lesser makeup na lang ang gagawin mo. Hay naku, miss mo na si Cris, Maya, Kylie at Aneesa, kasi standby ng Bambbi Fuentes Salon si Salve, for sure siya ang unang customer sa pagbubukas nito hah hah hah.

Pagsusuot ng face mask, kailangang gawing habit

Siguro tulad ng Koreans at Vietnamese kailangan na nating ugaliin na mag-wear ng face mask o face shield. Kasi nga, protection pala talaga ito na kailangan natin lalo na sa maraming tao. Sa bagay, pag hindi mo siya nakasanayan, parang mahirap pero pag nasanay ka na ok na rin naman dahil cute pa nga siyang tingnan lalo na sa mga bata na mas feel mo na protected sila.

Sige, now na naumpisahan na natin, lagi na tayo mag-wear ng mask, baka sakaling pati ang sipon at ubo ay hindi na masyadong kumalat.

And knowing ang mga Pilipino, naku day, iba’t ibang klase ng mask ang lalabas. Sa arte natin, baka fully beaded mask pa ang suotin ni Salve noh!

Mga bagahe sa balikat hindi na kailangan sa buhay

With the world in turmoil, parang ‘yung mga mumunting problema ayaw mo na lang makapag-complicate pa sa buhay mo ngayon. Hindi na siguro uso ngayon iyong maarte ka na sa kaunting bagay ay pinalalaki mo, siguro by now ang attitude mo que pasa o bahala na lang. Hindi ‘yung kaunti lang ay mawawalan ka na ng pasensiya, dapat mas malawak na ang tingin mo sa paligid mo at sa mga bagay-bagay ngayon.

Less complication, the better.

Hindi mo na nga alam kung ano na ang mangyayari bukas kaya dapat you only live by the day, tapos maglalagay ka pa ng problema sa ulo mo, huwag na lang.

Mamuhay tayo nang walang bagahe sa balikat, walang bigat sa dibdib, dahil you don’t know if there will be tomorrow. Seize the moment now, and enjoy it.

vuukle comment

SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with