JaDine magkasama na uli sa bahay?!

JaDine

Hoping ang ibang fans na nagkabalikan na nga ang JaDine.

Yup, nag-viral ang photos nina James Reid and Nadine Lustre na sinasabing magkasama na uli sila sa bahay ng actor.

Nakita kasi nila sa IG photos na nasa same spot ang dalawa sa bahay ng actor.

Almost five months nang split ang JaDine.

So nagkabalikan na nga ba sila? “Huli pero di kulong! HAHAHA. My JaDine Heart!” ang caption ng fan na may 17K shares ang nasabing photo.

Bawal lumabas merchandise ni Kim, ubusan na

Ubusan na ang Bawal Lumabas merchandise ni Kim Chiu.

Mismong ang actress na ang nag-IG story na maraming colors na ang wala at maraming sizes na ang sold out.

Bongga si Kim. Siya lang talaga ang nakapag-handle ng negative na naging positive dahil sa kanyang Classroom statement sa Laban, Kapamilya event na sa umpisa ay pinagtawanan at nilait-lait pero ang ending, nakakatulong pa siya.

Show comments