Marco at Lara
Marco at Lara baby girl naman ang gusto
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 29, 2020 - 12:00am

Kung ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania ay ayaw pang i-share ang magiging gender (kung babae o lalake) ng kanilang pangatlong baby na nakatakdang isilang sometime in July this year,  ganoon din ang mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz para sa kanilang pangatlong baby din.

Ayaw pang magbigay ng detalye ang mag-asawang Marco at Lara kung baby boy muli o baby girl na ang nakatakdang isilang ng 2005 Miss International titlist-turned actress.

Kung ang mag-asawa ang masusunod, gusto nilang magkaroon ng baby girl dahil parehong boys ang nauna nilang mga anak na sina Noah (7) at Tobias (going 2) pero kung boy muli ang lalabas ay masaya pa rin sila.

Si Lara ay ang pang-apat na Filipina na nakasungkit ng Miss International title nung 2005. Nauna na rito sina Gemma Cruz in 1964, Aurora Pijuan in 1970 at Melanie Marquez noong 1979. Sumunod naman kay Lara si Bea Santiago in 2013 at Kylie Versoza in 2016.

Wax figure ni Catriona, may bagong gown

Masaya ang bagong inspirasyon ngayon ng Fil-Am singer-actor na si Sam Milby, ang 2018 Miss Universe, ang Fil-Australian beauty na si Catriona Gray dahil nakalikom ang kanyang No Work No Rice fundraising campaign ng P2.3M na gagamitin niyang pantulong sa mahigit 6,000 families ng Smokey Mountain sa Tondo, Manila.

Samantala, muling gumagawa ang Kapampangan fashion designer na si Mark Aldane `Mak’ Tumang ng isang pang Mayon design gown na ipapadala sa London para sa wax figure ng dating Miss Universe.  Si Mak ang gumawa ng dalawang gown ni Catriona, ang Mayon at Ibong Adarna design na kanyang isinuot sa 2018 Miss Universe pageant na ginanap sa IMPACT Arena in Muang Thong Thani in Nonthaburi Province, Bangkok, Thailand nung December 17, 2018.

DREW ARELLANO IYA VILLANIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with