Alden naudlot ang ibang endorsement
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 27, 2020 - 12:00am

Ayaw pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbukas ng classes sa August 24. Ito sana ang balak ng Department of Education, pero sa latest report ng Pangulo, hindi siya papayag na magkaroon ng klase ang mga bata hangga’t wala pang vaccine na natutuklasan, ayaw daw niyang ipahamak ang buhay ng mga bata dahil sa possible silang maka-contact ng COVID-19.

Pero si Kapuso actor Alden Richards ay nang-e-engganyo nang mag-enrol ang mga students sa AMA Computer College East Rizal.  Ang AMA Educational System ang latest endorsement ni Alden. Safe nga namang mag-enroll sa kanila dahil online education, kaya hindi na sila kailangang umalis ng bahay. Dalawa pang bagong endorsements ni Alden ang hindi pa niya nailo-launch dahil sa kasalukuyang COVID-19 pandemic.

Gabbi kinalimutan ang nangyari sa kanila ni Ruru

Naging masaya ang online live streaming ng All Out Sundays Encantadia Reunion last Sunday, na special guests ang mga Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at si Ruru Madrid.  Moderator sina Michael V at si Paolo Contis na nagtatanong ng mga nangyari noong nagti-taping sila, four years ago na off-the-records at ngayon lamang naisiwalat on the air.  Ang medyo hiyang-hiya ay si Ruru dahil halatang siya ang tinutukoy, sila ni Gabbi, sa mga tanong.  Hindi naman lihim na naging close sina Gabbi at Ruru nang sabay silang nagsimula noon sa showbiz. 

Pero sabi nga ni Gabbi, matagal na iyon, at kung hindi naging maganda ang mga nangyari noon, ngayon ay friends na muli sila ni Ruru at tinatawanan na lamang nila ang mga nangyari noon na pareho pa silang bata.

May girlfriend na si Ruru ngayon at open na rin si Gabbi sa relasyon nila ng boyfriend na si Khalil Ramos. 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with