Andi sentimental sa paglalakad ng anak
Andi
Andi sentimental sa paglalakad ng anak
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 26, 2020 - 12:00am

In two months ay one year old na ang second baby ni Andi Eigenmann na si Lilo. Hindi raw mapigilan ni Andi na magpaka-sentimenal dahil mabilis daw ang paglaki ng anak nila ng boyfriend niyang si Philmar Alipayo.

Nag-post si Andi ng video sa Instagram na marunong nang tumayo ng mag-isa at natututo na raw itong maglakad. “This little ball of joy is ten months old today! Already showing signs of curiosity about the things around her. Most of the time it’s those that move, like little hermit crabs, and even ants! All the more reason to keep our eyes on her at all times. This is another reason besides the fact that she crawls on all fours so swiftly. At this point, she also manages to stand on her own and has already taken two to three steps without anybody’s help! Won’t be surprised if she starts walking within the next couple of weeks. She constantly practices because she loooves to dance!”

Nanghihinayang lang si Andi dahil hindi raw nakikita ng kanyang inang si Jaclyn Jose at ng ibang family members ang mga bagong ginagawa ni Lilo dahil naka-quarantine sila sa magkakaibang lugar. “That moment would feel so bittersweet, because she’s growing up way too fast! Sometimes I hope her growth would just take a little pause because I really want to share this experience with my family who is all in Manila.”

Sa Siargao naka-quarantine sina Andi at Philmar samantalang nasa Metro Manila ang panganay ni Andi na si Ellie. “But I know the time will come that we will all be reunited again!”

Carrot Man asensado na

Marami ang naghahanap kung nasaan na ang nag-viral na si Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton. Sumikat sa social media si Carrot Man noong 2016 dahil sa isang photo na kuha ng isang babaeng naging turista sa Benguet. Dahil guwapo ito kaya pinagkaguluhan ito sa social media hanggang sa maging overnight celebrity si Jeyrick.

Na-feature ang kanyang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho at ang kanyang life story ay pinalabas sa Magpakailanman. Naging guest din siya sa Bubble Gang at sa Wowowin kung saan pinangakuan siya ni Willie Revillame na tutustusan ang pag-aaral niya ng high school hanggang college.

Mabilis ang pag-asenso ni Jeyrick dahil bukod sa paglabas sa TV ay naging model pa siya ni Avel Bacudio ng isang collection nito. Nagkaroon pa siya ng malaking billboard sa EDSA. Ngayon ay nagmo-model paminsan-minsan si Jeyrick at kumakanta ito sa isang online variety show sa PTV Cordillera. Sa naturang show, kumakanta si Jeyrick habang suot ang traditional Igorot attire. Nagkaroon din ng boy band si Jeyrick na FAB4Z.

Nakapagbiyahe na rin siya sa iba’t ibang bansa sa Asia at naka-post ito sa kanyang Facebook account. Kahit na naging maganda na ang buhay ni Carrot Man, tumutulong pa rin daw siya sa pag-ani ng carrots kasama ang kanyang ama.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with