John Arcilla duwag sa bashers
John Arcilla duwag sa bashers
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 24, 2020 - 12:00am

Ang post ni John Arcilla sa Instagram kung saan, may panawagan siya sa kanyang followers tungkol sa pagkakasara ng ABS-CBN. “I wish my beloved followers can also post an appeal and ask your respective congressmen something similar: To our Beloved  and Honorable Congressman Eric Olivarez of the 1st district of Para?aque, and Beloved Honorable Congresswoman Tambunting of 2nd District, we humbly ask you to vote favourably for the renewal of the #ABSCBNFranchise. Please be our voice in congress. Maraming salamat po. Gob bless everyone.”

Kaya lang, maganda sana kung hindi sinet ni John sa “Comments on this post have been limited” ang comment box ng kanyang IG para sana malaman niya ang pulso ng netizens sa panawagan niyang ito. Hamo na ang bashers at trolls dahil may mga sariling mundo ang mga ito at paniwala nila lagi silang tama.

Halos lahat ng post ni John, limited ang pwedeng mag-comment, kaya pati ‘yung post niya na hindi siya pabor sa lifting ng ecq at ang sinabing sana i-regulate ng mall owners ang tao na papasok sa mall, public market at grocery stores, na maganda sana kung marami ang nakapag-comment, limitado lang sa mga kaibigan at kakilala niya ang pwedeng mag-comment.

Carla ‘di napikon nang tawaging lumba-lumba

Akala siguro ng isang basher ni Carla Abellana, magagalit nila ang aktres at aawayin siya nito sa pamba-body shame niya sa comment na “nung di ka pa lumba-lumba” bilang reaction sa magandang photo na pinost ni Carla na naka-smile siya.

Nagulat siguro ang basher sa sagot ni Carla na “yes!”  na ibig sabihin, nag-agree ang aktres sa comment niya. Ang followers ni Carla ang umaway sa rude comment ng basher na obviously, hindi alam ang pinagdaanan ni Carla kung bakit siya tumaba.

Ipinaalala ng followers na siya’y nagkasakit, na misdiagnose pa nga at ‘yung ininom na gamot sa sakit na wala naman pala, causes her added weight. Idagdag pa na dumaan sa depression si Carla dahil sa pinagdaanan.

Speaking of Carla, ibabalik ng GMA-7 ang sitcom nila ni Ryan Agoncillo na Ismol Family, hindi pa lang sinasabi kung kailan. Bago ang rerun ng sitcom, may virtual reunion muna ang cast this Sunday, May 24, 7pm., sa YouLOL, ang newest comedy channel ng GMA-7.

JOHN ARCILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with