Alessandra nagsisising ‘di pinagka-perahan ang anim na pelikula

Alessandra

Anim na shows at tatlong pelikula ang tinanggihan ni Alessandra de Rossi last year. Rason ni Alex sa tweet niya, “Pangit ang mga mensahe.”

Eh nagkaroon ng lockdown. Bawi ni Alex, “Sana pala ginawa ko na lang para may pera ako, di naman pala mapapalabas.”

Aminado si Alessandra na choosy siya kaya hindi siya visible. Dahilan niya, “Tao first. If I don’t like the message, wag na. Dami ko nang ganyan na role!” tweet ni Alex.

GMA singers sasalang sa Bayanihan

Pasiklaban  ang ilang GMA Music artists sa jamming session na inihahanda nila ngayong Lunes, Mayo 25, ang Bayanihan Musikahan.

Siyempre, for a cause ang pagsasama-sama nila na tulungan ang mga urban poor families sa bansa na apektado ng pandemic na COVID-19.

Ang performers at oras ng performance nila ay ang sumusunod : Golden Cañedo 6PM; Kristoffer Martin – 6:30PM; Garrett Bolden – 7PM; Kyline Alcantara – 7:30PM.

Show comments