Zsa Zsa
Zsa Zsa tatanggap na ng bakasyunista sa July
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Ang ganda ng three-storey Asian-inspired house sa Makati City ng couple na sina Conrad Onglao at Zsa Zsa Padilla. Si Conrad mismo ang nag-design ng bahay at ang mga gamit, nakakalula at idagdag ang paintings na nakasabit sa lahat ng sulok ng bahay. Bukod sa bahay sa Makati, may bubuksang Bed and Breakfast si Zsa Zsa na Casa Esperanza ang pangalan. Nasa Lucban, Quezon ang property na sabi ni Zsa Zsa ay may three casitas. By July, baka matapos na ang construction sa Casa Esperanza and ilang weeks pa, pwede nang tumanggap ng bakasyunista.

Pero, kahit may magandang bahay at may bubuksang Casa Esperanza, nami-miss pa rin ni Zsa Zsa ang ABS-CBN at nang i-post ang video ng Kapamilya Forever, marami rin ang nagpahayag na nami-miss na nila ang Kapamilya Network.

Max sa inflatable pool manganganak!

Nakakatawa ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno dahil sila ang nag-buwena mano at unang gumamit sa inflatable pool kung saan manganganak si Max. Pinost ni Pancho ang photo nilang mag-asawa habang nasa inflatable pool at sa nakita namin, parang hindi masyadong malalim ang pool, tama lang sa height ni Max.

Nagdesisyon kasi si Max na sa bahay manganak o home birth dahil sa takot na baka mahawaan sila ng kanyang baby ng COVID-19 kung sa ospital manganganak.

Suportado ni Pancho ang desisyon ni Max at bilang Registered nurse, makakapag-assist siya sa panganganak ni Max.

Sa Unang Hirit, napanood ang tour sa magi­ging room ng kanilang baby at kasamang ipinasilip ang mga gamit ng baby. May rocker at may nakita kaming crib at stroller.

ZSA ZSA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with