Angel may koneksyon daw talaga sa makakaliwa?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Mukhang totoong napikon na si Angel Locsin, hindi lang dahil may nagsasabing magbabayad sila sa makakapatay kay Angel at ganoon din kina Kim Chiu at Coco Martin. Mas lalo pang napuno si Angel nang may isang basher na magsabi na siya ay isang NPA, at bilang patunay, inilabas pa ang ilang pictures kung saan kasama niya sina dating Congressman Neri Colmenares at dati ring Congressman Satur Ocampo.

Walang nabanggit si Angel tungkol kay Satur Ocampo, dahil hindi naman talaga lihim sa lahat ang kanyang pagiging high ranking official ng Communist Party, at siya rin ang isa sa mga nagtatag ng National Democra­tic Front. Ang hinahamon ni Angel ay ang patunayang NPA talaga si dating Congressman Neri Colmenares at siya mismo.

Ang mga picture na iyon ay walang dudang kuha sa panahon ng kampanya. Kahit naman noong nagtangkang maging senador si Colmenares ay ikinampanya siya ni Angel, pero hindi pulitika ang dahilan noon eh.

Si Neri Colmenares ay pinsan ni Angel na dahilan kung bakit laging kasama si Angel sa kanyang mga kampanya noon, hindi dahil involved ang aktres sa mga grupong makakaliwa.

Mga tauhan ng ABS-CBN sa milagro na lang umaasa!

“Conditioned naman ang isipan ng mga tao na ang kanilang trabaho ay hanggang end of July na lang,” sabi sa amin ng isang ABS-CBN employee, after all iyon lang naman daw ang talagang ipinangako sa kanila ng network, na mananatili sila sa kanilang trabaho at matatanggap nang buo ang kanilang suweldo sa loob ng tatlong buwan, matapos na masara ang network.

“Hindi rin naman sila umaasa sa ano man, kasi alam naman nila na karamihan sa kanila ay mga “talent” binabayaran lang sila for work performed. Wala ka naman talagang ibang maaasahan,”dagdag pa ng aming source.

“Totoo na may demora­lisasyon. Totoo rin na naroroon ang takot dahil saan ka nga ba naman makakahanap ng trabaho agad kung tuluyan nang magsasara ang network, pero marami pa rin ang umaasa sa milagro. Baka nga naman makitang kailangan pa rin ng bayan ang network at payagan pa rin iyong magpatuloy,”sabi pa niya.

Sabi ng insider na source namin, ganyan daw ang kaisipan ngayon ng marami nilang kasamahan.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with