Free TV iba pa rin ang dating

Iba pa rin ang free TV kaysa nauusong online / streaming sites ngayon. Pero pag nasanay na ang tao, hindi mo rin alam baka puwede na ring ito na talaga ang maging entertaintment nila.

Nakakatakot lang na pag nasanay ang tao, baka talagang wala nang manood ng sine, kasi pati pelikula puwede nang i-download at sa phone panoorin o sa iPad na puwedeng dalhin kahit saan.

Sa rami ngayon ng mga followers ng online shows, puwede na ngang ito na ang alternative na hinahanap nila.

Scary for producers na gumagawa ng pelikula at para sa mga sinehan. Pero tingnan din natin, kahit saan naman basta may income papasok ang investors.

Julie Ann nag-birthday concert

Meron palang birthday concert si Julie Ann San Jose sa Facebook kagabi.

Kasi nga birthday niya ngayong araw kaya naisip ng GMA na bigyan ng treat ang fans niya by way of a live concert sa Facebook na pinamagatang Jam with Julie: Online Mini Concert.

Kinanta raw ni Julie ang OPM hits na tiyak nagustuhan ito ng kanyang mga tagahanga.

Show comments