_pang-masa
^

Pang Movies

Mother Lily hindi naapektuhan ng quarantine dahil sa pagpapa-piano

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mother Lily hindi naapektuhan ng quarantine dahil sa pagpapa-piano

Ang sweet naman ng Regal Entertainment, Inc. producer na si Mother Lily Monteverde. Ang dalas kasi niyang mangumusta sa entertainment press.

Kung hindi man siya tumatawag, nagte-text naman at hindi text to all dahil may complete name talaga ng entertainment press na tini-text niya.

Kahapon, ka-text ko ang anak ni Mother Lily, si Roselle Monteverde at kinumusta ko ang nanay niya. “Ok si Mommy, hindi talaga siya lumalabas. Sa bahay lang siya,” sey ni Roselle. Dahil nasa bahay lang, madalas daw na nagpa-piano si Mother Lily.

Ilang beses ko na ring nakasama sa Power Plant Mall sa Rockwell si Mother Lily at nakiki-piano pa siya kapag nandoroon. Sa pinakababa kasi ng mall, may piano at kapag weekend ay may nagpa-piano doon.

Minsan nga ay kasama pa namin si Raymond Gutierrez at sobrang bilib siya sa galing ni Mother Lily sa pagpia-piano.

May pagkakataon din na kasama namin ni Annabelle Rama si Mother Lily sa Podium Mall at nakiki-piano rin siya sa nasabing mall.

Sa Valencia Events Place nga na pag-aari niya, madalas, kahit may pa-presscon sila, bigla na lang magpia-piano si Mother Lily.

So, ngayong naka-lockdown lang siya sa bahay dahil nga sa COVID-19, nag-e-enjoy siya sa kaka-piano.

Zsa Zsa pinuri-puri si Kim

Kahapon ay nag-post si Zsa Zsa Padilla ng picture nila ng Love Thy Woman co-star niyang si Kim Chiu. Caption ng Divine Diva sa post na ‘yon, “Una kong nakatrabaho si Kim sa pelikulang, Paano na Kaya nung 2O1O. Kimerald fan ako nuon kaya laking tuwa ko na makasama sa Pelikula!

“Sa unang pagkakilala ko kay Kim, mabait sya at magalang. Matagal na din kaming magkasama sa ASAP. But I really got to know her better when we worked in a teleserye called, The Story of Us.

“We shot some scenes in New York and New Jersey and stayed in the same house while filming. Mas lalo pa syang naging humble and professional kasi wala kang maririnig na reklamo galing sa kanya. Napaka gaan nyang katrabaho.

“Dito ko nakita kung gaano nya kamahal ang trabaho nya. At palagi kong naririnig galing sa kanya na ginagawa nya ito para sa Pamilya nya.

“Ngayon naman, magkasama kami ulit sa teleserye na Love Thy Woman. Walang pagbabago sa ugali ni Kim. She’s always cheerful on the set. She’s still the girl I first met - mabait, dedicated, magalang, professional. Napaka down to earth ni Kim kaya mahal ko sya.

“Na-witness ko kung gaano nya bigyan ng time ang mga fans nya. Kim, alam ko na madasalin ka kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, have faith in Him. And please know that I love you and I am here for you.”

Masaya ang mga fan ni Kim sa pinost na ‘yon ni Zsa Zsa tungkol sa kanilang idolo. “Hirap magkamali, dapat perfect?” ang tanging sinabi ni Zsa Zsa nang maka-chat ko kahapon na alam mong nasasaktan din ang Divine Diva sa pamba-bash ngayon kay Kim dahil sa mga ipinahayag nito sa “online rally” na Laban, Kapamilya kaugnay nga ng pagpapasara sa ABS-CBN.

At least, ang bongga ng pagpapakita ng suporta ni Zsa Zsa kay Kim, huh! ‘Yun na!

MOTHER LILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with