^

Pang Movies

Minanang bahay ng Pinay nurse-caregiver kay Michael Buble, bumida sa HGTV

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Minanang bahay ng Pinay nurse-caregiver kay Michael Buble, bumida sa HGTV

Sadyang napakasuwerte ng isang Filipina nurse-caregiver na nagngangalang Minette dahil siya ang nagmana ng 50-year-old ancestral house ng maternal grandparents ng popular Italian-Canadian singer, composer, record producer and actor na si Michael Buble sa Vancouver, Canada.

Mahigit walong taong nanilbihang caregiver si Minette sa lolo’t lola ni Michael nung nabubuhay pa ang mga ito na ang pinakahuli ay ang grandfather nitong si Demetrio Santanga.

Bago binawian ng buhay ang lolo ni Michael ay nagbilin ito na bigyan na bahay na matutuluyan ni Minette para hindi ito mahirapan kapag wala na siya dahil alam ng matanda at ni Michael mismo na lahat ng kinikita nito ay ipinapadala ni Minette sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Si Minette ay napamahal na sa pamilya ni Michael na itinuring siyang kapamilya.

Tinupad ng singer-composer, actor at record-producer ang dying wish ng kanyang namayapang lolo dahil kay Minette mismo ibinigay ang ancestral house ng kanyang grandparents nang ito’y bumalik galing sa kanyang bakasyon sa Pilipinas.

Ang nakakatuwa pa, bago ibinigay ang bahay kay Minette ay ni-renovate ito sa tulong ng Property brothers at hosts ng Celebrity IOU ng HGTV na sina Drew at Jonathan Scott.

Pagkabalik ng Canada galing Pilipinas ni Minette ay muli siyang dinala ni Michael sa bahay ng kanyang lolo dahil may shooting umano para sa isang do­cu­mentary tungkol sa kanya at sa kanyang namayapang grandfather. Pero sinabi lamang `yon ni Michael para doon gawin ang sorpresa para kay Minette, ang pag-turn over sa kanya ng bahay bagay na ikinabigla ng Filipina nurse-caregiver.

vuukle comment

MICHAEL BUBLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with