^

Pang Movies

Hatol ng SC sa pagpapasara ng ABS-CBN, hinihintay na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama si Arnel Ignacio. Iyong mga nanlalait pa sa ABS-CBN, hindi dapat ginagawa iyon dahil parang ikinatutuwa pa nila ang hindi magandang nangyari sa iba. Iyon namang mga pabor sa ABS-CBN, dapat isipin naman nila kung sino ang kanilang tinatalakan.

Ang laban ay legal, hindi sa Facebook,” sabi ni Arnelli, na sa tingin namin ay tama naman.

Halimbawa nga ngayon, iniakyat na ng ABS-CBN sa Korte Suprema ang kanilang petisyon na pigilin ang utos ng NTC laban sa kanila, iyang paulit-ulit na diskusyon kung tama o mali ang desisyon ng NTC, o kung may nalabag na karapatan o wala ang sino man, aba eh subjudice na iyan.

Parang may mga taong gustong pangunahan maging ang desisyon ng Korte Suprema. Basta iniharap na sa Korte Suprema, hintayin na lang ang magiging hatol ng korte. Sila ang mas may karapatang magsabi kung ano ang tama, at ano man ang opinion ng kahit na sinong abogado man o hindi, laban sa desisyon ng Korte Suprema, wala na ring halaga.

Kasabihan na nga, kung magkamali man ang Korte Suprema, ang pagkakamaling iyon ay nagiging isang batas na dapat sundin.

Tigilan na natinang balitaktakan sa social media, wala rin namang mangyayari ano man ang sabihin natin.

Sunshine hindi sinasayang ang oras sa bahay

Hanga kami kay Sunshine Cruz. Habang ang iba ay nagpapahayag na ng pagkabagot dahil sa napakahabang lockdown, at kabilang na kami roon, si Sunshine ginagawa naman niya ang lahat para ang kanyang oras na maging kapaki-pakinabang.

Noong isang araw, ibinalita niya ang pag-aayos niya ng kanilang tahanan. Noong minsan naman nagpakita siya ng exercises na magagawa ng mga tao sa kanilang tahanan sa panahong ito ng lockdown. Masama rin naman iyong lagi kayong nakaupo o nakahiga na lang sa panahong wala kayong magawa. May masamang epekto rin iyan sa katawan.

Minsan, gamit ang mga naluma nang tinapay, gumawa naman siya ng pudding, na sinasabi nga niyang naging malaking hit sa kanilang pamilya. Ibig sabihin naubos.

Marami naman tayong magagawa sa panahong ito ng lockdown, kaysa sa tumunganga, makialam sa buhay ng may buhay sa social media, o manood ng balita na araw-araw nakaka-depress dahil puro nagkakasakit at namamatay ang sinasabi

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with