Kapamilya nasilat sa provisional permit!

Nagising kami kahapon ng umaga sa boses ni kabayang Noli de Castro sa dzMM. Binuksan namin ang telebisyon, at ayun nga on the air ang Umagang Kay Ganda. Maliwanag kung ganoon na hindi isinara ang ABS-CBN, kahit na expired na ang franchise nila nang sumapit ang hatinggabi ng Mayo 4.

Papaanong nakapagpatuloy ang ABS-CBN nang walang franchise at wala rin namang provisional permit mula sa NTC?

May 11 pending bills sa mababang kapulungan ng Kongreso na hindi nila natalakay noong may sesyon sila sa kung anong kadahilang hindi naman ipinaliwanag. Noong inabot na ng kagipitan, ang mababang kapulungan at ganoon din ang Senado ay nagpadala ng kahilingan sa NTC na bigyan ng provisional permit para makapagpatuloy ng broadcast ang ABS-CBN habang nakabinbin ang franchise noon. Ginawa naman nila iyon dahil sa opinion ni Justice Secretary Menardo Guevarra ay puwede iyon.

Kinontra iyan ni Solicitor General Jose Calida, at binantaan ang NTC na maaari silang managot sa ilalim ng batas kung bibigyan nila ng provisional permit ang ABS-CBN. Dahil diyan, hindi nagpalabas ng provisional permit ang NTC para magpatuloy ang ABS-CBN. Pero hindi rin sila naglabas na order na tumigil ang ABS-CBN sa kanilang broadcast. Dahil sa kawalan ng order na magsara, natural magpapatuloy ang ABS-CBN, dahil naroroon ang presumption” na pinapayagan sila. Kasabay noon, sinabi naman officially” ng Malacañang na kung ano ang maging desisyon ng NTC ay iyon ang ipapatupad nila.

Hindi kami sa kani-kanino ha. Pero nasabi na nga namin, na sa panahong ito na kailangan ng bayan ang mga lehitimong news sources, para hindi mabiktima ng fake news na naglipana sa social media, parang malabong ipasara ang isang lehitimong network.

Sa panahong ito na marami ang pangangailangan ng bayan, at hindi naman maiaasa ang lahat sa gobyerno, hindi mo masasabing hindi kailangan ang ginagawang ayuda ng ABS-CBN. Sa panahong ito na kailangang manatili ang mga tao sa loob ng bahay, kailangan ang mapaglilibangan, at naihahatid naman ito ng ABS-CBN. Parang wala talaga sa ayos na patigilin sila ngayon. (Habang sinasara namin ang pahinang ito ay naglabas na ng closure order ang NTC sa ABS-CBN. - Salve A.)

Show comments