Lantad na gay journalist, pinakilala ang anak!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 3, 2020 - 12:00am

Ang 52-year-old openly gay popular American broadcast journalist ng CNN News na si Anderson Cooper ay isa nang ama at meron na siyang several days old son sa tulong ng isang surrogate mother.

Ang bagong silang na baby boy ay kanyang pinangalanang Wyatt Morgan Cooper na hango sa first name ng kanyang namayapang ama na si Wyatt Emory Cooper habang ang Morgan ay nagmula sa maiden name  ng kanyang namayapang ina na si Gloria Morgan Vanderbilt.

Walang mapagsidlan ng kaligayahan si Anderson sa pagkakaroon ng sarili niyang anak.  Kumpleto sana ang joy na nararamdaman ngayon ng veteran award-winning broadcast journalist kung inabutan ang kanyang anak ng kanyang parents at nakatatandang kapatid na si Carter Cooper.

Ang namayapang ama ni Anderson na si Wyatt Emory Cooper na isang writer ay sumakabilang-buhay sa sakit sa puso nung July 22, 1978 sa edad na 50.  Ang kanya namang ina, ang kilalang  book author, fashion designer at society heiress na si Gloria Vanderbilt ay sumakabilang-buhay nung isang taon dahil sa stomach cancer sa edad na 95. 

Ang kanya naman full older brother na si Carter ay nag-suicide nung July 22, 1988 sa edad na 23 sa pamamagitan ng pagtalon mula sa kanilang penthouse residence na nasa ika-14th floor. 

Ang suicide ni Carter ang naging dahilan kung bakit pinasok ni Anderson ang pagiging isang journalist.

ANDERSON COOPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with