^

Pang Movies

Gloria Diaz nagpaliwanag sa paglabas ng bahay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gloria Diaz nagpaliwanag sa paglabas ng bahay

Kahit si Miss Universe 1969 Gloria Diaz ay hindi nakaligtas na ma-prank ng sariling mga anak dahil sa nagaganap na ECQ.

Nagtulung-tulong ang magkapatid na Isabelle at Ava Daza, kasama ang fiance ni Ava ba si Luch Zanirato, na gumawa ng script para ma-prank si Gloria.

Sa prank video, nagpanggap na isang barangay officer si Luch at tinawagan sa bahay si Gloria para ihain ang complaint dito na lumabag ito sa paglabas ng bahay habang may ECQ.

Nagpaliwanag si Gloria na lumabas lang siya para bumili ng gamit at tinapay sa mall na malapit sa kanila.

Naging very defensive pa si Gloria sa pagsabi ng: “Akala mo naman nagpa-party! Hindi! Hindi ako nagpa-party!”

Pagkatapos tanungin pa si Gloria kung may symptoms ito ng COVID-19, pinasa ni Luch ang telepono kay Ava at ni-reveal na isang prank iyon ginagawa sa kanya.

Hindi pa sila nakuntento kay Gloria at tinawagan din nila ang kapatid ni Gloria na si Socorro Diaz na ina ng pinsan nilang si Martine Ho.

Nagpanggap naman bilang PNP officer si Luch at sinita rin si Soccoro sa hindi pagsunod sa ECQ guidelines.

Super-explain si Socorro na dalawang beses lang daw itong lumabas para bumili ng pagkain at gamot. Sinabi rin nito na isa siyang frontliner feeder.

Hanggang sa i-reveal na ni Ava na isang prank ang ginagawa nila.

Successful ang kanilang prank kaya pinost ito ni Belle sa kanyang Instagram.

Taylor Swift nanggagalaiti sa galit sa pagre-release ng kanyang mga lumang kanta

Hindi napigilan si Taylor Swift na muling magalit sa manager ni Justin Bieber at Demi Lovato na si Scotter Braun dahil sa nakarating sa kanya na ire-release raw nito ang isang album ng kanyang live performances noong 2008.

Si Braun kasi ang naka-acquire ng music catalog ni Taylor mula sa unang record label nito na Big Machine Records na pag-aari ni Scott Borchetta. Binenta ito ni Borchetta kay Braun for $330 million.

Kaya ngayon ay pagkakakitaan na nila ang mga pinaghirapan na songs ni Taylor. Ito ang emotional na post ni Taylor:

“Hey guys -- I want to thank my fans for making me aware that my former record label is putting out an “album” of live performances of mine tonight. This recording is from a 2008 radio show performance I did when I was 18. Big Machine has listed the date as a 2017 release but they’re actually releasing it tonight at midnight.

“I’m always honest with you guys about this stuff so I just wanted to tell you that this release is not approved by me.

“It looks to me like Scooter Braun and his financial backers, 23 Capital, Alex Soros and the Soros family and the Carlyle Group have seen the latest balance sheets and realized that paying $330 MILLION for my music wasn’t exactly a wise choice and they need money. In my opinion just another case of shameless greed in the time of coronavirus. So tasteless, but very transparent.”

Nasa plano ni Taylor na muling i-record ang kanyang six albums under Big Machine Records. Pag-aari pa rin daw ng singer ang lahat ng kanyang songs na sinulat niya sa anim na records.

vuukle comment

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with