Navotas Mayor nag-donate ng suweldo

Nakita ko iyong mga post sa Instagram na ido-donate ni Mayor Toby Tiangco ang buo niyang suweldo mula April 2020 hanggang sa katapusan ng termino niya para sa mga hindi makakatanggap ng financial help.

Wow, ang galing, talagang isa-sacrifice mo para lang matulungan ang mga tao sa lugar mo na hindi mabibigyan ng DSWD na hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung paano pinipili matapos kong mapanood na iyon iba doble ang nabigay, iyon iba naman nabigay sa mga addict, sugalero at lasenggero.

Dahil siguro nakita ni Mayor Toby  na iyon iba na mas may kailangan na hindi nabigyan kaya inalok na niya ang kanyang suweldo.

Salute Mayor Toby, love love love. 

Mga isda sa dagat, nakaluwag!

Napansin mo ba Salve na mas mataba at malalaki ang mga isda ngayon kesa noon bago nagpatupad ng lockdown?

Siguro dahil sa malinis ngayon ang tubig, dahil walang mga barko na lumalabas, at wala rin mga taong pumupunta sa dagat kaya malulusog ngayon ang mga isda.

At tiyak iyong mga nagtatapon ng dumi sa dagat nabawasan din kaya ganun.

Kasi lately lahat ng isda na binibili ni Mel (kasambahay namin) parang mas masarap at mataba. Pati mga isda nagkaroon ng pahinga hahaha.

Ang problema naman ngayon baka magkulang ang mga baboy dahil malakas ang demand, pero ‘di bale, usually ang dami naman magkaroon ng anak ng mga baboy kaya madali lang ang solusyon sa problema na iyan. 

Show comments