Albert limang taon nang nagbi-birthday na mag-isa
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 21, 2020 - 12:00am

Magmula nang sumakabilang-buhay ang misis ng actor na si Albert Martinez na si Liezl Sumilang-Martinez nung March 14, 2015 ay limang taon nang sini-celebrate ng actor ang kanyang kaarawan na wala ang misis.

Pero kahit limang taon nang wala si Liezel ay tila wala pa ring balak ang actor na maghanap ng iba na makakapalit sa kanyang puso ng yumaong misis.

Last Sunday, April 19 ay ika-59th na kaarawan ni Albert na simple niyang idinaos sa kanilang bahay in Quezon City.

Sa California, USA naka-base ang panganay na anak ni Ablert na si Alyanna at mister nitong si Roy Macam at ang kanilang more than two-year-old daughter na si Adalyn Riley. May asawa na rin ang kanyang bunsong anak na si Alissa kay Paulus Reyes.  Ang dalawa ay ikinasal sa Canada nung October 2019.  Natitira na lamang na walang asawa ang kanyang ikalawa at kaisa-isang anak na lalake na si Alfonso.  Kapag nag-asawa si Alfonso, maiiwang mag-isa si Albert sa kanilang bahay.

Si Albert ay isa pa rin sa pinaka-in demand actor sa bakuran ng ABS-CBN at hindi ito halos nawawalan na TV project maliban lamang ngayon na naka-suspend ang lahat ng TV and movie production dahil sa COVID-19 pandemic.

ALBERT MARTINEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with