Dayanara cancer free na!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

Masayang binalita ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres na tapos na ang pinagdadaanan niyang cancer treatment. Sa huling check-up nga raw ni Yari, negative na siya sa anumang cancer cells.

February 2019 nang unang isiwalat ni Yari na na-diagnose siya with skin cancer. After a year ay nagpapasalamat ito at puwede na siyang matawag na isang cancer survivor. For a year, I’ve been battling cancer. It was found last year. It was out of the blue. I was working. I was being a judge on a show which is like Dancing with the Stars in Spanish, flying every week at the beginning of the year. The next morning, I found out it was cancer.

«I started treatment for a year and I thank the Lord and everyone for all the prayers. It’s amazing the amount of love and support that I received.

«Last week, on Monday, I had my last test to just check if there’s anything kind of like left over hanging around, and everything was negative.» 

Nagpasalamat naman si Yari sa kanyang longtime friend na si Pops Fernandez na lagi siyang kinukumusta simula noong magkaroon siya ng sakit. Kelan lang ay nagkasama via sa isang live online show.

“MABUHAY!  Philippines! Thank you so much to one of my closest dearest friends @popsfernandezofficial for having me on her “Live” last night! Miss na miss kita sa kaibigan ko. Hanggan sa muli,” caption pa ni Yari.

Nangako pa si Yari na kapag nawala na ang COVID-19 pandemic, nais niyang bumisita ulit sa kanyang tinuturing na second home, ang Pilipinas.

“As soon as this is over, I definitely need to go back. I miss everybody,” sey pa niya.

Sheryl nag-aalala sa anak na nasa Amerika

Dahil sa ECQ (enhanced community quarantine) sa Metro Manila, naging tahimik lang ang 46th birthday celebration ni Sheryl Cruz.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Sheryl sa mga bumati, nagpadala ng roses at gifts sa kanyang birthday last April 5.

My heartfelt gratitude for all your thoughtful messages for my natal day. See you all soon on the small screen courtesy of my Kapuso family. Abangan niyo po kami sa Magkaagaw,” caption pa niya.

Sobrang nami-miss naman ni Sheryl ang kanyang daughter na si Ashley na naka-base ngayon sa US dahil sa pag-aaral nito. Nagdarasal ang aktres na ligtas at healthy ang kanyang anak kahit na magkahiwalay sila.

Pinagdarasal din ni Sheryl ang kaligtasan ng maraming tao sa buong mundo at sana’y makahanap na ng cure sa COVID-19.

DAYANARA TORRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with