Mga buntis na celeb inaasahang aamin pagkatapos ng lockdown
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

Naku, Ateng Salve, sino-sino kayang celebrity ang mag-a-announce na buntis sila kapag natapos na ang Luzon-wide enhanced quarantine dahil sa COVID-19?

Siyempre, marami sa kanila ang walang masyadong magawa, kaya may mga nagsasabing tiyak na maraming mabubuntis, ‘noh?!

Eh, ‘yung aktres kaya na buntis na noon pa, after kaya ng lockdown ay i-announce na na magkakaanak na sila ng kanyang mister na actor/singer/TV host?

Naku, may isa pang buntis na, pero hinihintay pa niyang matapos ang first trimester ng kanyang pagbubuntis bago niya i-announce ‘yon.

Wala munang clue, basta, for sure, maraming matutuwa sa pagbubuntis na ‘yon ni aktres, huh!

Moi ni Papa P. nagnenegosyo ng saradinas

Hanggang mamayang 12 noon ay may Lunch with the Stars Live! ang talent management na Cornerstone Entertainment sa kanilang Facebook page.

Makakasama ngayon sa FB page ng Cornerstone Entertainment sina Inigo Pascual at Kyle Echarri.

Kahapon naman nakasama nina Empoy, K Brosas at Pooh si Moi Bien, ang dating yaya ni Piolo Pascual na nag-aartista na.

Alam mo ba, Ateng Salve, ang bongga rin ni Moi dahil kahit walang work ngayon ang mga artistang katulad niya dahil lockdown nga, hindi naman siya nganga lang sa bahay.

Nagnenegosyo ang dating yaya ni Papa P, huh!

May bottles tinapa flakes si Moi na ang brand name ay Luto ni Moi, at bukod pa rito ay meron din siyang ibinebentang Spanish bangus.

Ang businesswoman/philanthropist na friend natin ni Manay Lolit Solis na si Ms. Pinky Tobiano, nagpa-deliver ng tinapa flakes ni Moi at masarap daw ‘yon.

Ang bongga, kaya pagbalik ko ng Philippines, bilang treat ko sa sarili ko, magpapa-deliver din ako ng tinapa flakes product ni Moi para matikman din ang sarap no’n.

Ang bongga lang ng dating yaya ni Papa P dahil mana sa kanya na mahilig magnegosyo, huh!

At least, malayo si Moi sa iba na ngayong lockdown ay kung ano-anong drama para makapanghingi ng tulong.

Si Moi, kumikita pa rin kahit lockdown.

Ang bongga!

KC at Lovi nag-promise na magba-bonding

Birthday ni KC Concepcion noong Tuesday, pero na-happy naman ang friend niyang si Lovi Poe dahil ang birthday girl pa ang nagpadala sa girlfriend ni Montgomery Blencowe ng pastries.

Ang sweet nga raw ni KC sabi ni Lovi dahil sa “sweets” na pinadala sa kanya ng panganay ni Sharon Cuneta.

Promise nga ni Lovi kay KC na pagkatapos ng lockdown na ito ay magse-celebrate sila para sa birthday ng kaibigan!

‘Yun na!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with