Gina negative sa COVID-19
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

Negative si Director Gina Alajar after niyang ma-test last March 14, kaya fake news ang lumabas na balita na positive raw siya sa COVID-19 virus. 

Nang makausap sa telepono si Direk Gina, puring-puri at sumasaludo siya sa ating frontliners sa hospitals, at maging ang mga sundalo at kapulisan na hindi tumitigil sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin. Aniya: “I salute them! We all know the risk on their health and well being.  But, nananaig sa kanila na ang trabaho nila ay para bumuhay ng tao at yun ang laman ng puso nila,  ‘to serve.’ Itinataya nila ang kanilang buhay para maglingkod, kaya I pray for them.”

Ginugugol ni Direk Gina ang oras niya dahil stop taping muna sila ng series na Prima Donnas. Nagkaroon siya ng time na magbasa ng Bible, makinig ng mga praise and worship music, watching TV, at siyempre ang matulog nang mahaba, na hindi niya nagagawa kapag nagti-taping siya.

Tungkol sa tatlong Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo at ang kontrabidang si Elijah Alejo, nakita na ba niya ang improvement nila ngayong ilang buwan na silang nagti-taping? “Malaki na ang improvements nila di tulad noong nagsisimula pa lamang kami. Marunong na sila, kuha na nila ang character ng bawat isa, hinahayaan ko na sila kung paano nila i-attack ang eksena nila. Kapag hindi nila masyadong sure ang gagawin nila, iyon doon lamang sila lalapit sa akin.”

Onanay at Alyas Robin Hood babalik sa ere

Speaking of Prima Donnas, simula ngayong Lunes, March 30, ang mapapanood na sa time slot nila ay ang niri-request ng netizens na ibalik, ang Onanay nina Superstar Nora Aunor, Ms. Cherie Gil, Wendell Ramos, Jo Berry, Mikee Quintos at Kate Valdez at 3:25 pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos. At sa time slot naman ng Bilangin ang Bituin sa Langit ni Nora Aunor, ipapalit ang magbabalik ding season 1 ng aksyon-drama na Alyas Robin Hood nina Dingdong Dantes at Andrea Torres, at 4:10 pm.

GINA ALAJAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with