Heart lupaypay!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

Nanlupaypay si Heart Evangelista sa pagtugon sa mga humihingi ng tulong sa kanya sa Twitter na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 nu’ng Miyerkoles.

Matapos magpahinga, tumugon muli si Heart sa pagtulong sa netizens kahapon. Sa pamamagitan ng DM o direct message ay nalalaman ang detalye ng humihingi ng tulong.

May nanghingi (@anamarie314) ng food suppy. Saad ng netizen, “Disinfectant lang po ang binigay sa amin ng barangay namin. Hinabol pa para makakua. Namigay raw po ng bread pero hindi po nakaabot sa amin.”

Isang anak (@silverstannoona) ng vendor ang nanghingi rin ng pagkain. “Parang hindi po napapansin ang mga vendor an katulad ng magulang ko.”

May nagpasalamat naman kay Heart sa tulong na binigay.

“Natanggap na po ng mama ko ang pera at pambili ng gamot,”- @ren85113602.

Sa mga artistang nagbibgay ng tulong, napansin lang namin na parang sa sariling bulsa niya ang gastos sa pantulong dahil sa mga nakaraang posts niya eh never siyang humingi ng donasyon, hu!

Take note, bukod pa ang tulong na ginagawa niya para sa taga-Sorsogon na binibigyan din ng ayuda ng asawa niyang si Chiz Escudero na gobernador ng lalawigan!

Iba rin ang puso ni Heart pagdating sa pagtulong sa gitna ng krisis, huh!

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with