Bernard ulilang lubos, nanay namatay sa Amerika!

Sumakabilang-buhay sa Amerika nung nakaraang March 19, 2020 ang ina ng actor na si Bernard Palanca at ang yumaong actor na si Miko Palanca na nung December 9, 2009 lamang yumao, na si Pita Revilla Palanca-Hocson.

Sakit na cancer ang ikinamay ni Pita na panganay sa walong  anak ng dating veteran actor na si Armando Goyena at misis nitong si Paquita Roces.

Ang mga nakababatang kapatid ni Pita ay sina Maritess, Tina, Cita, Malu, Cecelia, Rossi at ang kanilang kaisa-isang anak na lalake, ang actor na si Johnny Revilla na mister naman ng singer na si Janet Basco.

Nang sumakabilang-buhay ang ama nina Bernard at Mico na si Bernard Palanca, Sr. ay muling nag-asawa si Pita kay Dr. Lorenzo Hocson.

Ang actor na si Bernard Palanca ay ulila nang lubos sa kanyang mga magulang at kapatid pero meron siyang dalawang anak na parehong lalaki, sina Elijah Pineda Palanca sa kanyang ex-wife na si Meryl Soriano at si Isaiah Joseph Ejercito Palanca kay Jerika Ejercito, panganay na anak ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada sa dating actress na si Laarni Enriquez.

Show comments